DND kay Cagayan Gov. Mamba: Wag tawaran ang kakayahan ng Pangulo sa Foreign Policy

Umapela ang Department of National Defense (DND) kay Cagayan Governor Manuel Mamba na huwag tawaran ang kakayahan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gumawa ng foreign policy decision na magsusulong ng pambansang interes. Ang pahayag ay kaugnay ng alegasyon ni Mamba, na nagsinungaling umano si DND Officer in Charge Carlito Galvez Jr. nang sabihin… Continue reading DND kay Cagayan Gov. Mamba: Wag tawaran ang kakayahan ng Pangulo sa Foreign Policy

Pamahalaan, tiniyak na iiral pa rin ang health protocols sa evacuation centers sakaling kailanganing magpalikas dahil sa bagyong Amang

Siniguro ng Office of Civil Defense (OCD) na iiral pa rin ang minimun health protocol sa mga evacuation facility, sakaling magpatupad ng paglikas dahil sa bagyong Amang. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni OCD Joint Information Head Diego Mariano na bukod sa family food packs, mamamahagi rin sila ng face mask sa mga magsisilikas,… Continue reading Pamahalaan, tiniyak na iiral pa rin ang health protocols sa evacuation centers sakaling kailanganing magpalikas dahil sa bagyong Amang

Vice President Sara Duterte, inihalintulad ang New People’s Army sa ilegal na droga

Muling umapela si Vice President Sara Duterte sa mga magulang na protektahan ang mga anak laban sa recruitment ng teroristang New People’s Army (NPA). Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng Marilag Festival sa Sta. Maria, Laguna, inihalintulad ni VP Sara ang NPA sa ilegal na droga at mga kriminal na dapat ilayo sa mga kabataan.… Continue reading Vice President Sara Duterte, inihalintulad ang New People’s Army sa ilegal na droga

State of Calamity, ipinadedeklara dahil sa ASF outbreak

Iminumungkahi ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na magdeklara ng State of Calamity sa mga lugar na apektado ng African Swine Fever (ASF). Sa paraan aniyang ito ay mas magiging madali ang pagkakasa ng emergency measures, upang mapigilan ang paglawak ng epekto ng ASF sa suplay ng karne ng baboy. Sa kasalukuyan, 54 na probinsya… Continue reading State of Calamity, ipinadedeklara dahil sa ASF outbreak

SSS, planong maglagay ng mga solar panel sa mga opisina

Plano ng Social Security System (SSS) na maglagay ng mga solar panel sa mga opisina nito. Sinabi ni SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet, na makakatulong umano ito sa ahensya para makatipid sa gastusin sa kuryente at maisulong ang paggamit ng renewable energy. Target ng SSS na ipatupad ang pilot implementation ng proyekto sa… Continue reading SSS, planong maglagay ng mga solar panel sa mga opisina

Imbestigasyon ng Senado sa Degamo slay case, hindi panghihimasukan ng DOJ

Hahayaan na lamang ng Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng sariling imbestigasyon ang Senado kaugnay ng pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo. Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, trabaho ng mga senador na magsagawa ng mga pagdinig in aid of legislation o paggawa ng panukalang batas. Anumang resulta ng Senate inquiry… Continue reading Imbestigasyon ng Senado sa Degamo slay case, hindi panghihimasukan ng DOJ

QC LGU, pinaghahandaan na ang magiging epekto ng bagyong Amang

Nagsasagawa na ng Pre-Disaster Risk Assessment ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) Operations Center kasama ang mga miyembro ng DRRM Technical Working Group kaugnay sa bagyong Amang. Partikular na tinalakay sa pulong ang potensyal na epekto at pangunahing pagtugon sa mga operasyon sa sandaling maramdaman na ang epekto ng bagyo. Batay… Continue reading QC LGU, pinaghahandaan na ang magiging epekto ng bagyong Amang

Pagbabayad ng multa sa clamped vehicles, maaari nang gawin online sa San Juan City

Mas pinadali ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan ang pagbabayad ng multa para sa mga nahuhuling ilegal na pumaparada sa lungsod. Sa pamamagitan ng pag-scan ng QR Code ay maaari nang bayaran sa City Treasury online ang multa, nang hindi na dumadaan sa San Juan City Hall. Ayon kay San Juan City Mayor Francis… Continue reading Pagbabayad ng multa sa clamped vehicles, maaari nang gawin online sa San Juan City

“Swimming” pinasasama bilang subject sa K-12 curriculum

Pinasasama ng isang mambabatas sa K-12 Curriculum bilang subject o aralin ang swimming. Paliwanag ni Probinsyano Ako Party-list Representative Rudys Caesar Fariñas, pangunahing layunin ng kaniyang House Bill 7476 o “Drowning Prevention Act,” na mabawasan ang mga insidente ng pagkalunod na nauuwi sa pagkamatay sa tuwing mayroong “natural calamities” o “recreation aquatic activities.” Oras na… Continue reading “Swimming” pinasasama bilang subject sa K-12 curriculum

Presyo ng mga nakumpiskang smuggled sugar na ibebenta sa Kadiwa Stores, kayang ibaba sa Php50-60 kada kilo

Para kay Senador Risa Hontiveros, dapat ay Php50 to Php60 kada kilo ang bentahan sa Kadiwa Stores ng mga smuggled na asukal na nakukumpiska ng pamahalaan. Matatandaang kamakailan ay inanunsiyo ng Malacañang na ibebenta ngayong Abril ang mga nakumpiskang asukal sa Kadiwa Stores sa presyong Php70 kada kilo. Paliwanag ni Hontiveros, sa kanilang pagkwenta ay… Continue reading Presyo ng mga nakumpiskang smuggled sugar na ibebenta sa Kadiwa Stores, kayang ibaba sa Php50-60 kada kilo