Sunog sa Taguig, naapula na

Alas-9:02 ngayong umaga nang ideklarang “Fire Out” ang sunog sa Purok 7, PNR Site, FTI Western Bicutan, Taguig City. Aabot sa 15 bahay ang natupok. Dikit-dikit ang bahay sa lugar at pahirapan bago mapasok ng mga bumbero. Ayon kay Fire Supt. Eddie Tanawan, patuloy pa nilang inaalam kung paano nagsimula ang sunog na mabot sa… Continue reading Sunog sa Taguig, naapula na

Pagpapalakas sa PMMA, isinusulong ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo

Nais ni dating pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na palakasin pa ang kapasidad ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA). Sa kaniyang pagharap sa PMMA kamakailan para sa pagpapasinaya ng life size statue ng kaniyang ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal, sinabi nito na inaaral na sa kamara ang pag-convert… Continue reading Pagpapalakas sa PMMA, isinusulong ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo

Pres. Marcos Jr, pinangunahan ang Change of Command ceremony sa liderato ng PNP. 

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalit ng liderato sa Philippine National Police (PNP). Sa naging talumpati ng Punong Ehekutibo, sinabi nitong sana ay madala ng bagong liderato ng PNP sa katauhan ni PNP Chief General Benjamin Acorda ang buong puwersa ng Kapulisan. Direktiba ng Punong Ehekutibo, dapat maramdaman ang presensiya ng mga… Continue reading Pres. Marcos Jr, pinangunahan ang Change of Command ceremony sa liderato ng PNP. 

Red tide alert, nakataas pa rin sa ilang baybayin sa bansa — BFAR

Patuloy pa ring pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa ilang baybayin na positibo pa rin sa red tide toxin. Ayon sa BFAR, kabilang sa mga apektado nito ang mga karagatan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar;… Continue reading Red tide alert, nakataas pa rin sa ilang baybayin sa bansa — BFAR

BIR, nagpaalala sa VAT Return Deadline sa April 25

Muling pinaalalahanan ngayon ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang mga taxpayer at kumpanya na asikasuhin na ang paghahain at pagbabayad ng Quarterly VAT Returns bago ang deadline bukas, April 25. Kabilang rito ang mga indibidwal o corporate taxpayer na may negosyo at may actual gross sales na higit sa ₱3-million.… Continue reading BIR, nagpaalala sa VAT Return Deadline sa April 25

Ilang senior citizen, sinadya ang binuksang SIM-assisted registration sa QC Hall

Nagsimula na ngayong araw ang SIM-assisted registration ng Quezon City Local Government para sa mga residente nitong hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang SIM. Kaninang alas-10 ng umaga, may ilan nang nakapila sa mga booth ng telco na Globe at Smart na nakapwesto sa loob ng QC Hall Compound. Kabilang dito ang ilang senior citizen na… Continue reading Ilang senior citizen, sinadya ang binuksang SIM-assisted registration sa QC Hall

Power transmission sa Luzon, di apektado ng 5.3 magnitude na lindol sa Isabela

Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nananatiling normal ang serbisyo ng power transmission sa Luzon grid sa kabila ng tumamang ng 5.3 magnitude na lindol sa Maconacon, Isabela nitong linggo. Ayon sa NGCP, wala namang naitalang power interruptions na maiuugnay sa nangyaring pagyanig. Wala ring naitalang pinsala sa anumang transmission facilities… Continue reading Power transmission sa Luzon, di apektado ng 5.3 magnitude na lindol sa Isabela

Lebel ng tubig sa Angat Dam, muling nabawasan

Patuloy na natatapyasan ang lebel ng tubig sa Angat dam sa gitna ng mainit na panahon sa bansa. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay bumaba pa sa 195.99 meters ang lebel tubig sa Angat Dam. Nabawasan pa ito ng 33 centimeters kumpara sa naitala kahapon na 196.32 meters bagamat… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, muling nabawasan

CAAP, walang naitalang pinsala sa mga paliparan sa Isabela kasunod ng nangyaring lindol kahapon

Walang naitalang pinsala sa mga paliparan ang magnitude 5.6 na lindol sa Moconacon, Isabela kahapon. Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio matapos ang lindol agad nilang inactivate ang tower emergency plan upang suriin ang mga paliparan na matatagpuan malapit sa pinangyarihan ng lindol. Sa ngayon patuloy ang passenger terminal… Continue reading CAAP, walang naitalang pinsala sa mga paliparan sa Isabela kasunod ng nangyaring lindol kahapon

Mga apektadong indibidwal ng oil spill, umakyat pa sa 190,000

Patuloy na nadaragdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro. Batay sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of April 23, umakyat pa sa 40,897 ang bilang ng mga apektadong pamilya o katumbas ng 193,436… Continue reading Mga apektadong indibidwal ng oil spill, umakyat pa sa 190,000