PNP Chief, nagsagawa ng ‘Command Visit’ sa NCRPO

Bumisita si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. para sa isang command visit sa National Capital Region Police Office o NCRPO kaninang umaga. Sa kanyang talumpati, ibinahagi nito ang kanyang plano para sa modernization program ng PNP. Isa na rito ang pag-iinvest ng pambansang pulisya sa ICT upang mas mabilis at magkaroon ng modernong… Continue reading PNP Chief, nagsagawa ng ‘Command Visit’ sa NCRPO

Miyembro ng Salisi gang, arestado matapos mambiktima ng OFW sa NAIA

Nasa kustodiya na ng Manila International Airport Authority (MIAA) Police Department ang isang miyembro ng Salisi Gang matapos na mambiktima ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Kinilala ni NAIA Police Intelligence and Investigation Division Chief, Colonel Levy Jose ang suspek na si Juvy Banaag, 49 anyos na… Continue reading Miyembro ng Salisi gang, arestado matapos mambiktima ng OFW sa NAIA

BIDA Workplace, ilulunsad na ng DILG sa mga pribadong kumpanya

Hihikayatin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang malalaking kumpanya sa bansa upang dalhin ang kampanya kontra iligal na droga sa pribadong sektor. Ito’y bilang pagtalima sa layunin ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawn (BIDA) Program na pagkaisahin ang iba’t ibang sektor ng lipunan sa laban kontra iligal na droga. Inanunsyo na ni… Continue reading BIDA Workplace, ilulunsad na ng DILG sa mga pribadong kumpanya

eTravel requirement para sa inbound passengers, pinaaalis ng isang mambabatas

Hiniling ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa pamahalaan na alisin na ang eTravel requirement sa inbound passengers sa Pilipinas. Para sa mambabatas, oras na maalis ang eTravel ay mas lalong dadami ang turista at maging ang mamumuhunan na papasok sa Pilipinas. Katunayan aalisin na aniya sa US ang pagpapakita ng pruweba na bakunado laban… Continue reading eTravel requirement para sa inbound passengers, pinaaalis ng isang mambabatas

Digitized copies ng textbooks, isinusulong na solusyon sa kakulangan ng textbooks sa mga pampublikong paaralan

Ipinapanukala ni Senador Jinggoy Estrada ang pagkakaroon ng digital copies ng lahat ng mga textbook at reference books ng mga pampublikong paaralan sa elementary at secondary levels, para maisakatuparan ang 1:1 textbook-to-student ratio. Paliwanag ni Estrada, mas madaling magkaroon ng access ang mga estudyante sa digital copies ng mga libro gamit ang internet kumpara sa… Continue reading Digitized copies ng textbooks, isinusulong na solusyon sa kakulangan ng textbooks sa mga pampublikong paaralan

Pagbisita ni Pangulong Marcos Jr., malaki ang benepisyo sa labor sector — TUCP

Kumpiyansa ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa malaking benepisyong nag-aabang sa labor sector matapos ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos. Sa isang presser, nagpasalamat ang TUCP sa pagsisikap ni Pangulong Marcos na maitulak ang mga inisyatibo para magkaroon ng maraming disenteng trabaho ang mga Pilipino. Tinukoy rin… Continue reading Pagbisita ni Pangulong Marcos Jr., malaki ang benepisyo sa labor sector — TUCP

Service fees para sa online payment channels at over-the-counter transactions, binawasan ng SSS

Inanunsyo ng Social Security System (SSS) ang pagbawas sa service fees na sinisingil ng SSS-accredited collecting banks, at remittance at transfer companies. Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, ang pass-on service fees ay nilimitahan na lang sa ₱8 kada transaksyon para sa online payment channels at ₱10 para sa over-the-counter… Continue reading Service fees para sa online payment channels at over-the-counter transactions, binawasan ng SSS

Mga tiwaling opisyal, tinukoy na dahilan ng Pangulo sa nagpapatuloy na problema ng iligal na droga

Kumbinsido si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mga nasa gobyerno din ang dahilan kung bakit hindi ganap na masawata ang problema hinggil sa iligal na droga. Maaaring ito sabi ng Pangulo, ay nasa hanay ng law enforcement gaya ng pulis at maaari din namang mga taong nasa pamahalaan. Hindi ang mga nasa lansangan gaya… Continue reading Mga tiwaling opisyal, tinukoy na dahilan ng Pangulo sa nagpapatuloy na problema ng iligal na droga

Panukala para pag-ibayuhin ang early childhood care and development system ng bansa, lusot na sa Komite

Aprubado na ng House Committee on Welfare of Children ang panukala na layong pagandahin ang early childhood care and development system sa bansa. Dalawang panukalang batas ang pinag-isa upang amyendahan ang Republic Act 10410 o ang kasalukuyang Early Years Act (EYA) of 2013. Sa ilalim ng panukala ay itatatag ang National Child Development Centers. Gagawin… Continue reading Panukala para pag-ibayuhin ang early childhood care and development system ng bansa, lusot na sa Komite

PCGG Chairman, kinasuhan ng katiwalian sa Ombudsman

Sinampahan ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman si Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman John Agbayani. Mismong ang dating accounting head ng UCPB CIIF Finance and Development Corporation Coco finance at UCPB CIIF Foundation Inc. na nasa ilalim ng supervision ng PCGG ang naghain ng reklamo laban kay Agbayani. Umuupong observer si… Continue reading PCGG Chairman, kinasuhan ng katiwalian sa Ombudsman