Mga residente na nakatira sa loob ng 8-kilometer PDZ ng bulkang Mayon, kailangang maging handa sa paglikas sakaling itaas sa Alert Level 4 ang bulkan

Pinaghahanda na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) ang mga residente na nakatira sa loob ng 8-kilometer permanent danger zone ng bulkang Mayon. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Phivolcs OIC Dr. Teresito Bacolcol, na kailangang maging handa ng mga residente doon sa paglikas, sakaling itaas sa Alert Level 4 ang bulkan.… Continue reading Mga residente na nakatira sa loob ng 8-kilometer PDZ ng bulkang Mayon, kailangang maging handa sa paglikas sakaling itaas sa Alert Level 4 ang bulkan

VP Sara, binigyang-pugay ang mga bayaning nakipaglaban sa terorismo, iligal na droga at korapsyon

Pinasalamatan ni Vice President Sara Z. Duterte ang mga bagong bayaning ipinaglaban ang kalayaan kontra terorismo, kriminalidad at katiwalian. Sa kanyang mensahe para sa ika-isandaan at dalawampu’t limang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, sinabi ni VP Sara na hanggang ngayon ay patuloy na nilalabanan ng mga bayaning ito ang komunismo para makamit ang kaunlaran. Partikular… Continue reading VP Sara, binigyang-pugay ang mga bayaning nakipaglaban sa terorismo, iligal na droga at korapsyon

Mahigit P1 umento sa kada litro ng mga produktong petrolyo, nakaamba na bukas

Nag-anunsiyo na ang iba’t ibang kumpanya ng langis hinggil sa ipatutupad na taas presyo sa kanilang mga produkto. Simula bukas, Hunyo 13, P1.20 ang umento sa kada litro ng gasolina habang nasa P1.40 naman ang umento sa kada litro ng diesel. Alas-12:01 mamayang hatinggabi, epektibo ang oil price hike ng kumpanyang Caltex habang ala-6 naman… Continue reading Mahigit P1 umento sa kada litro ng mga produktong petrolyo, nakaamba na bukas

Mga pagdiriwang kasabay ng Araw ng Kalayaan, mapayapa — NCRPO

Batay sa monitoring ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nanatiling mapayapa sa pangkalahatan ang mga ikinasang aktibidad kasabay ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw, sa kabila ng manaka-nakang pagbuhos ng ulan. Ayon kay NCRPO Spokesperson, Police Lieutenant Colonel Luisito Andaya, wala naman silang naitalang untoward incident sa kasagsagan ng okasyon bagaman… Continue reading Mga pagdiriwang kasabay ng Araw ng Kalayaan, mapayapa — NCRPO

Mga watawat ng Pilipinas sa lahat ng kampo Militar, ilalagay sa halfmast bilang pagbibigay-pugay kay yumaong dating Sen. Rodolfo “Pong” Biazon

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Medel Aguilar, ginampanan ni Biazon ang napakahalagang papel sa pagtatanggol sa demokrasya ng bansa at pagtatauyod sa integridad ng Sandatahang Lakas.

21 kumpanya, nakilahok sa Kalayaan Job Fair sa Kawit, Cavite

Photo courtesy of Kawit Cavite LGU

Tinitiyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) Cavite na inclusive at para sa lahat ang Kalayaan Job Fair na isinagawa sa Aguinaldo Freedom Park sa Kawit, Cavite. Ang Kalayaan Job Fair ay bahagi ng pagdiriwang ng 125th Independence Day ng Pilipinas ngayong araw. Ayon kay DOLE Cavite Provincial Director Marivic Martinez, nasa 21 employer… Continue reading 21 kumpanya, nakilahok sa Kalayaan Job Fair sa Kawit, Cavite

Las Piñas LGU, magpapatupad na rin ng single ticketing system simula sa Hunyo 19

Kabilang na rin ang Las Piñas sa mga lungsod sa Metro Manila na magpapatupad ng single ticketing system. Ito ay makaraang ianunsiyo ng Las Piñas City Local Government na kanila na ring ipatutupad ang bagong Unified Traffic Management System sa kanilang lungsod. Dahil dito, sinabi ng Las Piñas LGU na epektibo sa Hunyo 19, magiging… Continue reading Las Piñas LGU, magpapatupad na rin ng single ticketing system simula sa Hunyo 19

Pagbibigay ng angkop at napapanahong assistance sa mga magsasaka, susi upang maisakatuparan ang target na 97.5% rice self-sufficiency sa bansa

Positibo ang National Irrigation Administration (NIA) na kaya ng Marcos Administration na maisakatuparan ang target na 97.5% rice self-sufficiency ng Pilipinas. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni NIA Acting Administrator Engr. Eduardo Guillen na ang kailangan lamang tiyakin ng pamahalaan ay maipaabot ang tamang assistance at tamang input na kakailanganin ng mga magsasaka. Halimbawa… Continue reading Pagbibigay ng angkop at napapanahong assistance sa mga magsasaka, susi upang maisakatuparan ang target na 97.5% rice self-sufficiency sa bansa

Department of National Defense, nagpaabot ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni dating Sen. Rodolfo Biazon

Nagluluksa ngayon ang Department of National Defense (DND) sa pagpanaw ng dating mambabatas at dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Rodolfo “Pong” Biazon. Sa isang kalatas, sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro, na naging makulay ang karera ni Biazon buhat sa pagiging opisyal ng Philippine Marines, pagiging AFP Chief of Staff… Continue reading Department of National Defense, nagpaabot ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni dating Sen. Rodolfo Biazon

Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Nagbigay abiso ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa mga kanseladong biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw. Batay sa abiso ng MIAA Media Affairs Division, ito ay dahil sa nararanasang masamang panahon sa destinasyon dulot ng habagat na hinihila ng bagyong Chedeng. Kabilang sa mga nakanselang biyahe ngayong araw… Continue reading Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon