VP Sara, pinangunahan ang pagbibigay parangal sa mga sundalo ngayong Araw ng mga Bayani

Nanguna si Vice President at DepEd Sec. Sara Z. Duterte sa ang pagpupugay sa mga sundalo ngayong National Heroes Day sa Manila Hotel. Sa idinaos na “Tribute to Soldier,” sinabi ng Pangalawang Pangulo, marapat lang saluduhan ang mga sundalo na nagpakita ng kahusayan, katapangan, dedikasyon at pagmamahal sa bayan. Sa kanyang talumpati, binigyan ng diin… Continue reading VP Sara, pinangunahan ang pagbibigay parangal sa mga sundalo ngayong Araw ng mga Bayani

Isang lalaki, arestado sa paglabag sa Comelec gun ban sa Pasig City

Isang lalaki ang arestado ng mga tauhan ng Pasig City Police Station sa paglabag sa Commission on Elections o Comelec checkpoint sa Barangay Bagong-Ilog, Pasig City. Kinilala ang suspek na si Shem Ismael, 25 taong gulang na residente ng Barangay San Joaquin, Pasig City. Batay sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-12:50 kaninang hapon dumaan sa… Continue reading Isang lalaki, arestado sa paglabag sa Comelec gun ban sa Pasig City

Higit 5,000 pang mga evacuee ng Mayon Volcano, nananatili pa rin sa evacuation centers sa Albay – DSWD

Nananatili pa rin sa mga evacuation center ang 5,369 pamilya o 18,794 individual na lumikas dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay. Base sa ulat, hindi pa rin sila pinapayagang makabalik sa kanilang tahanan dahil pa rin sa banta ng bulkan. Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na patuloy nilang mino-monitor … Continue reading Higit 5,000 pang mga evacuee ng Mayon Volcano, nananatili pa rin sa evacuation centers sa Albay – DSWD

Klase sa lahat ng antas sa Guimaras kanselado

Nagdeklara ng cancellation of classes ang lokal na pamahalaan ng Guimaras sa lahat ng antas bukas, Martes, Agosto 29, 2023. Sa Facebook post ni Acting Governor John Edward Gando, ang kanselasyon ay inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council. Bukod sa rekomendasyon ng PDRRMC, kumonsulta rin si Gando kay Governor JC Rahman Nava. Ito… Continue reading Klase sa lahat ng antas sa Guimaras kanselado

Lungsod ng Taguig, nangakong tutulong sa COMELEC sa pagasasaayos ng BSKE sa darating ng Oktubre

Nangakong tutulong ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa Comission on Election (COMELEC) sa pagsasaayos ng gaganaping Barangay at Sanguniang Kabataan elections (BSKE) sa darating na Oktubre. Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, sisiguruhin nilang makikibahagi ang kanilang lungsod sa pagsusulong ng maayos at malinis na halalaan ang kanilang lungsod. Dagdag pa ng alkalde,… Continue reading Lungsod ng Taguig, nangakong tutulong sa COMELEC sa pagasasaayos ng BSKE sa darating ng Oktubre

Mayor Belmonte, bibigyan ng protection ang siklista na biktima ng gun-toting incident sa QC

Hinimok ng Quezon City government ang siklista na kinasahan ng baril ng dating pulis na lumantad at makipagtulungan para sa pagsasampa ng kaso. Naglabas ng panawagan si Mayor Joy Belmonte matapos ihayag ng dating pulis na si Wilfredo Gonzalez na nagka-ayos na sila ng siklista. Kasabay nito, inutusan ni Belmonte ang QC People’s Law Enforcement… Continue reading Mayor Belmonte, bibigyan ng protection ang siklista na biktima ng gun-toting incident sa QC

VP Sara Duterte sa mga Pilipino: Hanapin ang kabayanihan sa sarili at magkaisa para sa bayan

Dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng National Heroes Day sa Liberty Shrine, Lapu-Lapu City sa Cebu, ang lugar kung saan naganap ang unang himagsikan laban sa mga mananakop noong 1521. Pinangunahan ni VP Sara ang wreath-laying ceremony o ang pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Lapu-Lapu, ang unang bayani ng bansa, na… Continue reading VP Sara Duterte sa mga Pilipino: Hanapin ang kabayanihan sa sarili at magkaisa para sa bayan

Labi ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople, dumating na sa DMW Office

Dumating na ang labi ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople sa Department of Migrant Workers (DMW) office sa Ople Building sa Ortigas Avenue sa Mandaluyong City ngayong gabi. Kasalukuyang isinasagawa ang Gabi ng Parangal at Pagpupugay para sa yumaong kalihim. Ito ay dinadaluhan ng pamilya, mga kaibigan, mga opisyal ng DMW, recruitment agencies, OFW… Continue reading Labi ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople, dumating na sa DMW Office

Pag-hire ng senior citizens ng mga pribadong kumpanya at tanggapan ng gobyerno, ipinapanukala

Isa pang panukala ang inihain ng ACT-CIS Party-list solons, na magbibigay ng patas na oportunidad sa pagtatrabaho. Matapos ang pagsusulong na bigyan ng posisyon sa mga kumpanya ang persons with disability (PWDs), itinutulak nina Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, kasama sina ACT-CIS Representative. Jocelyn Tulfo at Edvic Yap; Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City… Continue reading Pag-hire ng senior citizens ng mga pribadong kumpanya at tanggapan ng gobyerno, ipinapanukala

PNP, may nasampolan na sa pagpapatupad ng COMELEC Gun Ban para sa Barangay at SK Elections

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na may isa nang nahuling lumabag sa ipinatutupad na COMELEC Gun Ban, ngayong nagsimula na ang paghahain ng kandidatura para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections (BSKE). Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Redrico Maranan, kinilala ang isang nasampolan sa gun ban na… Continue reading PNP, may nasampolan na sa pagpapatupad ng COMELEC Gun Ban para sa Barangay at SK Elections