NIA, nakahanda na sa paparating na El Niño phenomenon

Nakabuo na ng kani-kanilang El Niño Action Plan ang Regional Offices ng National Irrigation Administration (NIA) sa buong bansa. Nakapaloob sa Action plan ang iba’t ibang mitigating measures, tulad ng iskedyul ng water delivery, paggamit ng Alternate Wetting and Drying (AWD) Technology, Diversification of Crops, at paggamit ng early maturing at drought-resistant crop varieties. Ilan… Continue reading NIA, nakahanda na sa paparating na El Niño phenomenon

Sen. Poe, umaasang maisasama sa priority bill ang panukalang Department of Water Resources

Kung si Senador Grace Poe ang tatanungin, mas mainam kung maisama sa priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang panukalang pagtatatag ng Department of Water Resources. Ipinunto ng Senate Committee on Public Services Chairperson na kung magiging priority bill ito ay hindi malayong maging ganap na batas ito sa loob ng taong… Continue reading Sen. Poe, umaasang maisasama sa priority bill ang panukalang Department of Water Resources

P2-M halaga ng iligal na droga, nakuha sa isang buy-busy operation sa Pangasinan

Aabot sa mahigit P2-million halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa isang high value individual (HVI) target na nahuli sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Lingayen kaninang madaling araw. Ayon sa impormasyon mula sa Pangasinan Police Provincial Office, nakilala ang naarestong suspek na si Jonathan Dela Rosa Martin, 36… Continue reading P2-M halaga ng iligal na droga, nakuha sa isang buy-busy operation sa Pangasinan

Inagurasyon ng isang Super Health Center sa Carcar, Cebu, pinangunahan ni Senador Bong Go

Isa sa 19 na Super Health Centers ang pinasinayaan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa lungsod ng Carcar ngayong araw dito sa Cebu. Sina Sen. Go at Cebu Gov. Gwendolyn Garcia ang nanguna sa isinagawang groundbreaking ceremony sa lokasyon nito sa Barangay Poblacion III. Matatandaan na una nang napasinayaan ang dalawang Super Health Centers… Continue reading Inagurasyon ng isang Super Health Center sa Carcar, Cebu, pinangunahan ni Senador Bong Go

Pakay ng Chinese vessels sa Iroquois reef, palaisipan sa AFP

Hindi mabatid ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung ano ang pakay ng 48 barko ng China na naka-angkla sa Iroquois reef sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Western Command Spokesperson Commander Ariel Joseph Coloma, hindi parin umaalis ang naturang Chinese fishing vessels na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Matatandaang… Continue reading Pakay ng Chinese vessels sa Iroquois reef, palaisipan sa AFP

Pilipinas, Austria, muling lumagda ng MOU para sa pagkuha ng Filipino nurses

Muling lumagda ang Pilipinas at Vienna, Austria ng bagong kasunduan sa ilalim ng isang framework na poprotekta sa karapatan ng mga Filipino nurses at magpapadali sa kanilang professional at social integration. Lumagda sa nasabing kasunduan sina Philippine Ambassador to Austria Evangelina Lourdes Bernas bilang kumakatawan sa Pilipinas habang si Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan… Continue reading Pilipinas, Austria, muling lumagda ng MOU para sa pagkuha ng Filipino nurses

Higit 18,000 estudyante, nakatakdangmagtapos at mag-move up sa Muntinlupa

Aabot sa 18,405 na mga mag-aaral mula sa 32 pampublikong paaralan sa lungsod ng Muntinlupa ang nakatakdang mag-move up o magtapos ng elementarya, junior high o senior high school ngayong linggo sa Muntinlupa Sports Complex sa Barangay Tunasan. Sa kanyang mensahe, binati ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang mga mag-aaral dahil sa kanilang mga… Continue reading Higit 18,000 estudyante, nakatakdangmagtapos at mag-move up sa Muntinlupa

Blended learning, planong gawing permanenteng sistema ng DepEd

Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) na gawing permanente na ang blending learning o paggamit ng kombinasyon ng in-person classes at online classes. Ayon kay DepEd Spokesperson at Undersecretary Michael Poa, nitong pandemya ay napagtanto nila na puwede pala ang nasabing set-up sa harap ng maraming hamon sa sektor ng edukasyon. Paliwanag pa ni… Continue reading Blended learning, planong gawing permanenteng sistema ng DepEd

Pagpapalakas ng agri sector sa bansa, malaki ang papel na gagampanan sa economic development ng bansa –Pangulong Marcos Jr.

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang direksyong tinatahak ng pamahalaan, tungo sa pagpapaigting ng agriculture sector ng bansa para sa pangkabuuang development ng ekonomiya ng Pilipinas. “Kaya po ay maliwanag na maliwanag dahil…nakita namin kahit ano pang gawin natin na pagandahin ang ekonomiya kung hindi natin maayos ang agrikultura, hindi po natin… Continue reading Pagpapalakas ng agri sector sa bansa, malaki ang papel na gagampanan sa economic development ng bansa –Pangulong Marcos Jr.

TVJ, naghain ng reklamo sa Regional Trial Court ng Marikina vs. GMA Network at Tape Inc.

Naghain ng Complain for Copyright Infringement and Unfair Competition ang “E.A.T” hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon (TVJ) laban sa GMA Network at TAPE Incorporated, sa Branch 273 ng Regional Trial Court ng Marikina. Ito ay matapos na mag-replay ang naturang network ng ilang episodes ng “Eat Bulaga” nang walang… Continue reading TVJ, naghain ng reklamo sa Regional Trial Court ng Marikina vs. GMA Network at Tape Inc.