Pamahalaan, siniguro ang kahandaan sa pagpapalikas ng mga residente kung lumala ang aktibidad ng mga binabantayang bulkan

Siniguro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kahandaan ng mga local government unit (LGU) na nakakasakop sa bulkang Taal, Mayon, at Kanlaon, sa oras na kailanganing magpatupad ng paglilikas para sa mga residenteng posibleng maapektuhan, kung lumala ang aktibidad ng mga bulkan. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni NDRRMC Deputy… Continue reading Pamahalaan, siniguro ang kahandaan sa pagpapalikas ng mga residente kung lumala ang aktibidad ng mga binabantayang bulkan

Sen. Go, ikinagagalak ang pagkakatalaga kay dating National Task Force Adviser for COVID-19 Dr. Ted Herbosa bilang DOH Secretary

Ikinagagalak ni Senador Bong Go ang pagkakatalaga kay dating National Task Force Adviser for COVID-19 Dr. Teodoro Herbosa bilang Kalihim ng Department of Health. Ayon kay Senador Go, isang welcome development ang pag-appoint kay Dr. Herbosa dahil sa kaalaman nito sa COVID-19 response at public health management. Nakatrabaho rin ng Senador ang bagong kalihim sa… Continue reading Sen. Go, ikinagagalak ang pagkakatalaga kay dating National Task Force Adviser for COVID-19 Dr. Ted Herbosa bilang DOH Secretary

Sec. Gibo Teodoro, hihingi ng karagdagang pondo sa Kongreso para sa DND at AFP

Hihingi ng karagdagang pondo ang bagong-upong Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro sa Kongreso para sa kagawaran at sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa kanyang unang press conference sa Camp Aguinaldo ngayong araw, sinabi ni Teodoro na kailangang magkaroon ng sariling budget ang DND proper para mas epektibo nitong mapamahalaan ang… Continue reading Sec. Gibo Teodoro, hihingi ng karagdagang pondo sa Kongreso para sa DND at AFP

50% ng populasyon sa Sulu, rehistrado na sa PhilSys

Umabot na sa kabuuang 440,252 na mga mamamayan sa lalawigan ng Sulu ang nakapagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys). Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Sulu, katumbas ito ng 50.71% ng census of population and housing (CPH) ng probinsya. Nitong Mayo, nasa 8,514 ang nakarehisto sa PhilSys na karamihan ay taga-Jolo.… Continue reading 50% ng populasyon sa Sulu, rehistrado na sa PhilSys

Mas matatag na ugnayan ng National Government at FFCCCII, ipinanawagan ni Pangulong Marcos Jr.

Nananawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapalakas pa ng balikatan sa pagitan ng national government at Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), para sa pagsusulong ng economic development at national progress sa bansa. “As in every mutually beneficial partnership, the Federation will rest assured that this Administration will continue… Continue reading Mas matatag na ugnayan ng National Government at FFCCCII, ipinanawagan ni Pangulong Marcos Jr.

Kongresista, pinaiimbestigahan ang pabigas sa mga public school teacher na umano’y bulok na

Pinasisiyasat ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang ibinigay na bigas sa mga public school teacher na aniya’y bulok at hindi na makain. Nakatanggap aniya sila ng reklamo mula sa ilang mga guro sa Nueva Ecija, Mindoro, Bacolod City at Zamboanga del Norte na ang natanggap na rice allowance… Continue reading Kongresista, pinaiimbestigahan ang pabigas sa mga public school teacher na umano’y bulok na

Presyo ng sibuyas at tinapay, pinababantayan ng house tax chief

Pinatututukan ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa pamahalaan ang presyo ng sibuyas at maging tinapay. Kasunod ito ng pagbagal ng inflation rate sa buwan ng Mayo na naitala sa 6.1%. Ayon kay Salceda, mas mataas ang presyo ng tinapay kaysa sa inaasahan. Bumaba naman kasi aniya ang pandaigdigang presyo ng trigo o… Continue reading Presyo ng sibuyas at tinapay, pinababantayan ng house tax chief

96 na pulis ng PRO-MIMAROPA, sumailalim sa Community Immersion Program

Pinangunahan ni Police Regional MIMAROPA Regional Director Police Brig. Gen. Joel Doria ang send-off ceremony sa Camp BGen. Efigenio C. Navarro, Calapan City, Oriental Mindoro ngayong umaga, para sa 96 na pulis na sasailalim sa community immersion program (CIP). Ayon kay BGen. Doria, ang 90 araw na community immersion program ay para magkaroon ang mga… Continue reading 96 na pulis ng PRO-MIMAROPA, sumailalim sa Community Immersion Program

Iligal na droga na tangkang ipuslit sa loob ng QC Jail, naharang ng mga jail personnel

Hindi nakalusot sa mahigpit na pagbabantay ang isang dalaw na nagtangkang magpuslit ng iligal na droga sa loob ng Quezon City Jail Male Dormitory sa Quezon City. Batay sa ulat, noong Hunyo 3 pumunta sa jail facility ang 44-anyos na lalaki mula sa Montalban, Rizal para dalawin ang isang Person Deprived of Liberty (PDL) .… Continue reading Iligal na droga na tangkang ipuslit sa loob ng QC Jail, naharang ng mga jail personnel

DENR, OVP at DepEd, magtutulungan para sa pagtatanim ng isang milyong puno

Nagkaisa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Office of the Vice President at Department of Education sa inisyatibong pagtatanim ng isang milyong puno sa bansa. Pinangunahan mismo nina Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte at ni DENR Sec. Antonia Loyzaga ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa layuning makapagtanim ng… Continue reading DENR, OVP at DepEd, magtutulungan para sa pagtatanim ng isang milyong puno