Paglalagay ng SRP sa asukal, pinag-aaralan ng DA

Ikinukonsidera ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) sa asukal. Ito ay sa gitna ng nananatiling mataas na presyuhan ng asukal sa merkado kahit na may mga imported na asukal nang ibinaba ang SRA. Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista, nakikipag-ugnayan na sila sa Sugar Regulatory Administration (SRA) at inaalam… Continue reading Paglalagay ng SRP sa asukal, pinag-aaralan ng DA

Presyo ng gulay sa Mega Q-Mart, nananatiling mababa

Mababa pa rin ang bentahan ng gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila gaya na lang sa Mega Q-Mart sa Quezon City. Kabilang sa murang mabibili rito ang kamatis na tumpok-tumpok ang suplay sa palengke. Ibinebenta ito sa halagang ₱25 ang kada kilo. Mura na rin ang presyo ng lokal na sibuyas na nasa ₱90… Continue reading Presyo ng gulay sa Mega Q-Mart, nananatiling mababa

Pagkakaaresto sa isa sa mga mastermind, susi sa pagresolba sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Degamo

Unti-unti nang nabubuo ang kuwento sa nangyaring pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa walong iba pa. Ito ang inihayag ng binuong Special Task Force Degamo Chairperson at DILG Secretary Benhur Abalos Jr. kasunod ng pagkaka-aresto ng isa sa mga itinuturong mastermind sa kaso na si Marvin Miranda. Ayon kay Abalos, kung babalikan… Continue reading Pagkakaaresto sa isa sa mga mastermind, susi sa pagresolba sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Degamo

PITX, patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Martes Santo

Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong araw ng Martes. Kabilang sa nga byahe dito ang papuntang Bicol, Oriental Mindoro, Davao, Bohol, Romblon, Iloilo, Samar, Baguio, at marami pang iba tulad ng Batangas, Laguna, at Quezon Province. Sa ngayon abala na ang ticketing booth lalo pa’t habang lumilipas ang… Continue reading PITX, patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Martes Santo

Pondo para sa EDCA sites, dadagdagan ng U.S.

Dadagdagan ng Estados Unidos ang $82-milyong dolyar na kanilang unang inilaan para sa limang orihinal na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites. Ito ang Inihayag ng US Department of Defense (DOD) kasunod ng pag-anunsyo kahapon ng Malacañang ng mga lokasyon ng apat na panibagong EDCA sites. Ayon sa DOD, ang karagdagang pamumuhanan sa mga EDCA… Continue reading Pondo para sa EDCA sites, dadagdagan ng U.S.

Force multipliers, minobilisa ni Lt. Gen. Sermonia para sa Semana Santa

Minobilisa ng Philippine National Police (PNP) ang mga force multipliers kasama ang anti-crime civic groups, barangay peacekeepers, at NGOs para mapabilis ang pagresponde sa anumang insidente ngayong Semana Santa at Ramadan. Ayon kay PNP Officer in Charge Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, ito’y kabilang sa 3-point bucket list ng security coverage… Continue reading Force multipliers, minobilisa ni Lt. Gen. Sermonia para sa Semana Santa

DND OIC Galvez, nagbigay-pugay sa mga beterano

Nagbigay-pugay si Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa mga beterano sa pagdiriwang ng Philippine Veterans Week mula April 5 hanggang April 12 at paggunita ng Araw ng Kagitingan sa April 9. Kasabay nito nanawagan ang kalihim sa lahat ng mamamayan, partikular ang kabataan na bigyang pagkilala ang… Continue reading DND OIC Galvez, nagbigay-pugay sa mga beterano

DND, nagpasalamat sa Pangulo sa pag-anunsyo ng 4 na karagdagang EDCA sites

Nagpasalamat si Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pag-anunsyo ng apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Ageeement (EDCA) sites. Ang mga ito ay ang: Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu,… Continue reading DND, nagpasalamat sa Pangulo sa pag-anunsyo ng 4 na karagdagang EDCA sites

Faulty electrical wiring, tinitingnang sanhi ng pagkasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 ayon sa BFP

Tinitingnan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila Arson Team na faulty electrical wiring ang naging sanhi ng pagkasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 ng Aleson Shipping Lines sa karagatan ng Baluk-Baluk Island sa probinsya ng Basilan. Ayon kay Basilan BFP Chief Sr. Supt. Kadil Acalul, bahagya na nilang itinigil ang kanilang imbestigasyon sa… Continue reading Faulty electrical wiring, tinitingnang sanhi ng pagkasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 ayon sa BFP

Port redevelopment, tinalakay ng ilang mambabatas kasama ang Mayor ng Busan, South Korea

Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang mambabatas na makapulong ang Mayor ng Busan, South Korea. Bahagi ito ng pagbisita ng ilan sa miyembro ng House of Representatives sa Republic of South Korea, sa pangunguna ni dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Ayon kay Baguio Representative Mark Go, kabilang sa natalakay nila… Continue reading Port redevelopment, tinalakay ng ilang mambabatas kasama ang Mayor ng Busan, South Korea