Sitio Pag-asa Child Development Center at Multi-Purpose Hall, pinasinayaan sa Parañaque City

Pinasinayaan ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang bagong-gawang Sitio Pag-Asa Child Development Center at Multi-Purpose Hall sa Barangay San Martin De Porres. Ayon sa punong lungsod, ang nasabing day care center ay isa lamang sa walong day care centers sa Barangay San Martin De Porres, at ito ay kasama sa 135-day care centers sa… Continue reading Sitio Pag-asa Child Development Center at Multi-Purpose Hall, pinasinayaan sa Parañaque City

Comelec, pagtitibayin ang paghihiwalay ng apat na barangay sa Brgy. Muzon

Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Linggo ang naging resulta ng plebisito noong Marso 25, 2023 para pagtibayin ang pagkakahati ng Barangay Muzon, San Jose del Monte, Bulacan sa 4 na hiwalay at malayang barangay. Sa resulta ng ginawang plebesito sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan ito ay ang Muzon proper, Muzon… Continue reading Comelec, pagtitibayin ang paghihiwalay ng apat na barangay sa Brgy. Muzon

Selebrasyon ng Earth Hour 2023, ginunita sa Quezon City

Ginunita ang selebrasyon ng Earth Hour 2023 sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City na inorganisa ng Worldwide Fund for Nature – Philippines. Pasado alas-8:30 kagabi, sabay-sabay na pinatay ang mga ilaw at muling binuksan pagsapit ng alas-9:30 ng gabi. Sinundan ito ng symbolic run kung saan sabay-sabay na nag-jogging ang ilang kalahok. Nagpahatid ng… Continue reading Selebrasyon ng Earth Hour 2023, ginunita sa Quezon City

P91k na halaga ng iligal na droga, nasabat ng mga pulis sa Malabon City

Mahigit sa P91,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa kanilang ikinasang buy-bust operation sa Malabon City. Arestado sa nasabing operasyon sina Reynold Pasiga alyas Benok (Pusher), 29 taong gulang; Denmark Ramos (User), 35 taong gulang, Joselito Marquez alyas Epoy (User), 51 taong gulang at Ryan Rosas alyas Ayeng, 44 taong gulang.… Continue reading P91k na halaga ng iligal na droga, nasabat ng mga pulis sa Malabon City

Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nanawagan sa mga Pilipino na makiisa sa isang oras na pagpapatay ng ilaw mamayang gabi bilang bahagi ng obserbasyon ng Earth Hour

Humingi ng isang oras si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino para mapangalagaan at maisalba ang inang kalikasan mula sa mabilis na pagkasira nito dulot ng climate change. Sa naging mensahe ng Pangulo, inihayag nitong nahaharap ang mundo sa aniya’y mahirap ng mabawing impact ng pagbabago ng panahon. Dama aniya ang epekto ng… Continue reading Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nanawagan sa mga Pilipino na makiisa sa isang oras na pagpapatay ng ilaw mamayang gabi bilang bahagi ng obserbasyon ng Earth Hour

Road concreting at reblocking, isinagawa ng DPWH sa Maynila

Sinimulan na ng DPWH ang kanilang road concreting at reblocking works sa A.H. Lacson Avenue sa Sampaloc, Manila. Sakop ng pagsasaayos ang north and south bound section ng naturang kalsada mula Laon Laan St. hanggang Piy Margal St. at vice versa. Inaasahan na matatapos ang repair works hanggang April 6. Sinimulan ang road rehabilitation sa… Continue reading Road concreting at reblocking, isinagawa ng DPWH sa Maynila

Kampanya para sa culture of security sa mga paaralan sa Davao City, kasado na

Kasado na ang kampanya para sa Culture of Security ng Davao City na nakatakdang ilunsad sa mga paaralan dito sa lungsod sa pangunguna ng Task Force Davao. Sinabi ni Task Force Davao Commander Col. Darren Comia, ito ay bahagi lang ng kanilang mga hakbang para mapalaganap sa lahat ng sektor ang kampanya sa seguridad para… Continue reading Kampanya para sa culture of security sa mga paaralan sa Davao City, kasado na

Kadiwa on Wheels pinuntahan ang bayan ng San Luis, Agusan del Sur

Ang Kadiwa on Wheels na bumibili ng ani ng magsasaka at nagbebenta ng produktong agrikultural sa mababang halaga ay nagpunta kahapon sa Municipal Amphi Theater upang magbenta ng bigas, asukal, mantika, karne ng baboy, manok, mga sariwang isda, pinatuyong isda, mga de-latang produkto, prutas, gulay, rootcrops, itlog at iba pang pangunahing bilihin sa murang halaga.… Continue reading Kadiwa on Wheels pinuntahan ang bayan ng San Luis, Agusan del Sur

Ayuda para sa mahigit 2,000 magsasaka sa lungsod ng Zamboanga, ipinamahagi ng lokal na pamahalaan

Namahagi ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa 2,007 mga magsasaka sa Ayala District ng lungsod kamakailan. Nakatanggap ng P2,000 ang bawat magsasaka mula sa Assistance In Crisis Situation (AICS) Program ng lokal na pamahalaan kung saan layong matulungan ang mga itong makabangon muli matapos masira ang kanilang mga pananim sa naranasang… Continue reading Ayuda para sa mahigit 2,000 magsasaka sa lungsod ng Zamboanga, ipinamahagi ng lokal na pamahalaan

DOT Caraga, naglilibot sa mga probinsya ng rehiyon upang itaas ang kaalaman ng Filipino Brand of Service Excellence Program

Serye ng Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) Trainings ang isinagawa ng DOT Caraga para turuan ang tourism frontliners na ibigay sa mga turista, kliyente at lahat ng bisita ang Excellent Customer Service gamit ang Filipino values tulad ng paglalagay ng palad sa dibdib bilang pag-welcome at pagbibigay-galang. Abala rin ngayon ang DOT Caraga sa… Continue reading DOT Caraga, naglilibot sa mga probinsya ng rehiyon upang itaas ang kaalaman ng Filipino Brand of Service Excellence Program