Malasakit Center nakatulong sa 700,000 pasyente sa Cebu

Umabot na sa 700,000 mga pasyente ang natulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng Malasakit Centers na naitatag sa Cebu. Ito ang ibinunyag ni Senador Christopher “Bong” Go matapos niyang pangunahan ang pagbubukas ng ika-157th na Malasakit Center sa loob ng Cebu City Medical Center (CCMC) sa lungsod ng Cebu. Ayon kay… Continue reading Malasakit Center nakatulong sa 700,000 pasyente sa Cebu

Lalaking nag-amok, nahulihan ng granada, baril at droga sa Las Piñas City

Sa kulungan ang bagsak ng isang indibidwal sa matapos mahuli sa isinagawang Oplan Galugad ng mga operatiba ng Las Piñas City Police. Nag-ugat ang operasyon makaraang makatanggap ng tawag mula sa mga concerned citizen ang mga pulis na mayroong nag-aamok na lalaking may dalang baril sa Brgy. CAA, Las Piñas City. Kinilala ang 20 taong… Continue reading Lalaking nag-amok, nahulihan ng granada, baril at droga sa Las Piñas City

Sen. Bong Go, pinangunahan ang inspeksyon sa itatatag na Super Health Centers sa Cebu

Dalawang Super Health Centers ang itatatag sa lalawigan ng Cebu bilang bahagi ng pagpapaunlad ng estado ng serbisyong pangkalusugan dito. Dinaluhan mismo ni Senador Christopher “Bong” Go ang inspeksiyon sa dalawang sites nito sa bayan ng Cordova at Toledo City. Nasa 9 na Super Health Centers ang layon nilang maitatag sa Cebu ngayong 2023. Iminungkahi… Continue reading Sen. Bong Go, pinangunahan ang inspeksyon sa itatatag na Super Health Centers sa Cebu

BI, magdadagdag ng tauhan ngayong Holy Week

Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na magdadagdag sila ng mga tauhan sa Manila International Airport ngayong Semanta Santa. Sa inilabas na press release ng BI, magdadagdag sila ng 155 na immigration officer sa terminal 1, 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport maging sa Clark International Airport. Ayon kay Bureau of Immigration Commissioner… Continue reading BI, magdadagdag ng tauhan ngayong Holy Week

Sunog sa Parañaque umabot sa ika-limang alarma

Tinupok ng apoy ang mga kabahayan sa Airport Village, Moonwalk, Parañaque City. Pawang mga light materials ang mga bahay kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy kaya naman agad na iniakyat ito sa ika-limang alarma ng Parañaque Fire Department. Dakong alas-9:56 ng gabi nang magsimula ang sunog. Ang mga fire volunteer mula sa lungsod ng… Continue reading Sunog sa Parañaque umabot sa ika-limang alarma

Mga nasunugan sa Parañaque City binigyan ng construction materials ng LGU

Namahagi ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Parañaque City sa mga naapektuhan ng malaking sunog sa lungsod. Personal na nagtungo si Mayor Eric Olivarez sa Brgy. Sto Niño upang bigyan ng construction materials ang mga apektadong residente. Ipinamahagi ng alkalde katuwang ng general services office ng lungsod ang mga yero, plywood at kahoy na… Continue reading Mga nasunugan sa Parañaque City binigyan ng construction materials ng LGU

Higit P100K halaga ng iligal na droga nasabat sa buy-bust operation ng Pasay City Police

Himas-rehas ngayon ang dalawang tulak ng iligal na droga matapos maaresto sa isinagawang operasyon ng mga operatiba sa Brgy 194 Zone 20 Pasay City. Nahuli sa buy-bust operation ang dalawang suspek na kinilalang sina John Jason Placido, 27 anyos at ang kasabwat nito na si Elton John Bella alyas Atong. Ayon sa Pasay City Police,… Continue reading Higit P100K halaga ng iligal na droga nasabat sa buy-bust operation ng Pasay City Police

Posisyon ng Kamara na sa pamamagitan ng Con-con gawin ang Cha-cha, di nagbago — Speaker Romualdez

Walang naging pagbabago sa posisyon ng Kamara sa pamamaraan ng pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution. Sa isang statement, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, na ang Constitutional Convention (Con-con) ang inaprubahang paraan ng Mababang Kapulungan para sa isinusulong na Charter Change (Cha-cha). Kung mayroon mang ibang nais ang Senado ay discretion na… Continue reading Posisyon ng Kamara na sa pamamagitan ng Con-con gawin ang Cha-cha, di nagbago — Speaker Romualdez

House Committee on Ethics, di minadali ang paglalabas ng rekomendasyon laban sa patuloy na absence ni NegOr Rep. Teves

Nanindigan si House Committee on Ethics Senior Vice-Chair Ria Vergara na hindi minadali ng komite ang pagbababa ng rekomendasyon laban kay Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr. Tugon ito sa pahayag ng legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, na sinabing minadali ang pagsuspindi sa mambabatas. Kinuwestiyon din nito ang pagsuspindi sa ilang… Continue reading House Committee on Ethics, di minadali ang paglalabas ng rekomendasyon laban sa patuloy na absence ni NegOr Rep. Teves

Dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves,target ng CIDG

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na kasama si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves sa mga subject ng search warrant, sa isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ngayong araw sa HDC Bayawan Agriventures sa Sta. Catalina, Negros Oriental. Paliwanag ni Fajardo ito ay dahil nakalista… Continue reading Dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves,target ng CIDG