Chief Security ng kumpaniyang pagmamay-ari ni dating Gov. Pryde Henry Teves na naaresto ng CIDG, sangkot sa pagpatay kay Gov. Degamo — PNP

Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na malaki ang ginampanang papel ng Chief Security Officer ng HDJ Tolong Compound, na pagmamay-ari ni dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo at walong iba pa. Ito ay makaraang makuha ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga… Continue reading Chief Security ng kumpaniyang pagmamay-ari ni dating Gov. Pryde Henry Teves na naaresto ng CIDG, sangkot sa pagpatay kay Gov. Degamo — PNP

Nasa ₱3.4-M na hinihinalang shabu, nasabat sa 2 high value individuals sa Antipolo City

Kalaboso ang dalawang high value individuals na umano’y mga tulak ng iligal na droga sa Antipolo City, Rizal. Kinilala ang mga suspect na sina Frenlie Paolo Valledor at Ailyn Daep na pawang mga residente ng lungsod. Nasabat sa kanila ang 500 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱3.4-million pesos. Nahaharap sina Valledor at Daep… Continue reading Nasa ₱3.4-M na hinihinalang shabu, nasabat sa 2 high value individuals sa Antipolo City

Isang Chinese national, arestado sa Taguig City dahil sa panunuhol sa pulis

Arestado ang isang Chinese national na nagtangkang suhulan ang mga pulis sa Taguig City. Kinilala ng Taguig City Police Station ang suspect na si Bin Li na nagtatrabaho bilang sales manager. Ayon sa Pulisya, nagtungo si Li sa Fort Bonifacio Police Substation para sunduin ang kaibigan na nakakulong dahil sa iligal na droga. Nag-alok ito… Continue reading Isang Chinese national, arestado sa Taguig City dahil sa panunuhol sa pulis

Hepe ng QCPD Crime Investigation & Detection Unit, inirerekomenda ng QC PLEB na sibakin sa pwesto

Pinasisibak sa pwesto ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) of Quezon City ang hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Crime Investigation and Detection Unit matapos umano pagtakpan ang katotohanan sa likod ng insidente ng hit-and-run na ikinamatay ng isang tricycle driver noong nakaraang taon. Sa 19-page decision na inilabas ng PLEB, pinadi-dismiss si Police… Continue reading Hepe ng QCPD Crime Investigation & Detection Unit, inirerekomenda ng QC PLEB na sibakin sa pwesto

Mahigit P8.16-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa buy-bust operation sa Iloilo City

Nasamsam ng mga pulis ang P8.16-M halaga ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Zone 6, Brgy. Buhang, Jaro Iloilo City ngayong hapon. Arestado sa operasyon sina Estrelita Bueno, alyas Madam Ester, 68 taong gulang at residente ng Abbey Road, Bagbag Sauyo, Novaliches, Quezon City at siyang regional priority target ng mga pulis;… Continue reading Mahigit P8.16-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa buy-bust operation sa Iloilo City

PNP, kinumpirmang may Private Armed Group ang magkapatid na Teves sa Negros Oriental

Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na may pinatatakbong Private Armed Group (PAG) si dating Negros Oriental Governor Henry Pryde Teves. Ito ang inihayag ni PNP Chief, Police General Rodolfo Azurin Jr. kasunod ng isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa opisina ng dating governor sa Sta. Catalina, Negros Oriental, kamakailan. Nasamsam… Continue reading PNP, kinumpirmang may Private Armed Group ang magkapatid na Teves sa Negros Oriental

Dalawang suspek, arestado matapos makuhaan ng shabu na nagkakahalaga ng P238K

Arestado ng mga tauhan ng Substation 4 Muntinlupa City Police ang dalawang drug suspect habang nagsasagawa ng anti-criminality operation ngayong Linggo ng umaga sa Zone 1 Sitio Pagkakaisa, Brgy. Sucat, Muntinlupa City. Kinilala ni PBGen. Kirby John Brion Kraft, DD, SPD ang mga suspek na sina Albaser Makakua, 22 taong gulang at Sandy Jardinico, 47… Continue reading Dalawang suspek, arestado matapos makuhaan ng shabu na nagkakahalaga ng P238K

Mag-live in partner sa Caloocan City, natagpuang patay sa pananaksak

Nagtagpuang patay ang maglive-in partner matapos umanong magsaksakan sa loob ng kanilang bahay sa Phase 4 Package 6 Barangay. 176, Caloocan City. Kinilala ang mga nasawi na sina Julieta Espaniola, 46 anyos, at ang kinakasama nitong si Edgardo Mananqui, 50 anyos. Ayon sa mga tauhan ng Barangay 176, alas-8:30 ng umaga kanina nang madiskubre ang… Continue reading Mag-live in partner sa Caloocan City, natagpuang patay sa pananaksak

43 anyos na babaeng tulak ng droga arestado sa Caloocan City

Sa kulungan bagsak ng isang babaeng umano’y tulak ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Caloocan City. Kinilala ang 43 anyos na suspek na si Rizalie Ando alyas Tariray (Pusher). Isinagawa ang nasabing operasyon sa Sta. Rita Road, Barangay 188, Caloocan City. Nakuhang ebidensiya mula sa suspek ang nasa 15 gramo… Continue reading 43 anyos na babaeng tulak ng droga arestado sa Caloocan City

P91k na halaga ng iligal na droga, nasabat ng mga pulis sa Malabon City

Mahigit sa P91,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa kanilang ikinasang buy-bust operation sa Malabon City. Arestado sa nasabing operasyon sina Reynold Pasiga alyas Benok (Pusher), 29 taong gulang; Denmark Ramos (User), 35 taong gulang, Joselito Marquez alyas Epoy (User), 51 taong gulang at Ryan Rosas alyas Ayeng, 44 taong gulang.… Continue reading P91k na halaga ng iligal na droga, nasabat ng mga pulis sa Malabon City