Manila Police, nasagip ang isang estudyanteng nagtangkang tumalon sa 24 na palapag na gusali

Sasailalim sa evaluation at treatment ang 22 taong gulang na estudyante sa kursong BS Computer Science ng UST matapos masagip ng mga tauhan ng Manila police sa tangkang magpatiwakal nito. Base sa ulat, nagtangkang tumalon mula sa roof deck ng may 24 na palapag na Blessed Pier Giorgio Frasatti building ng unibersidad ang estudyante. Kabilang… Continue reading Manila Police, nasagip ang isang estudyanteng nagtangkang tumalon sa 24 na palapag na gusali

Mga tauhan ng CIDG na sangkot sa “Hulidap”, posibleng kasuhan ng Kidnap for Ransom

Posibleng makasuhan ng kidnapping for ransom ang mga pulis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) NCR na sangkot sa kwestyonableng raid sa Parañaque noong Marso 13. Ayon kay PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Director Police Brig. Gen. Warren de Leon, ito’y dahil sa alegasyon na bago pakawalan ang mga Chinese na hinuli… Continue reading Mga tauhan ng CIDG na sangkot sa “Hulidap”, posibleng kasuhan ng Kidnap for Ransom

PDEA, sinunog ang nasa mahigit 3 tonelada ng ilegal na droga sa isang waste facility sa Trece Martires City, Cavite

Umabot sa halos apat na tonelada o 3.7 tons ng ilegal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang waste facility sa Trece Martires City sa lalawigan ng Cavite kahapon. Ayon kay PDEA Director General Virgilio Lazo, ang naturang timbang ng ilegal na droga ay nagkakahalaga ng aabot sa 20 bilyong… Continue reading PDEA, sinunog ang nasa mahigit 3 tonelada ng ilegal na droga sa isang waste facility sa Trece Martires City, Cavite

PNP sa mga kakandidato sa Barangay at SK Elections: Makipag-ugnayan sa PNP para sa seguridad

Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang mga nagbabalak tumakbo sa Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections na makipag-ugnayan sa kani-kanilang Chief of Police kung sa tingin nila ay may “imminent danger” sa kanilang buhay. Ang panawagan ay ginawa ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo matapos ang dalawang magkahiwalay na pananambang at pagpatay sa… Continue reading PNP sa mga kakandidato sa Barangay at SK Elections: Makipag-ugnayan sa PNP para sa seguridad

Isang lalaki na umano’y sangkot sa bentahan ng iligal na droga, timbog sa Navotas City

Arestado ang isang lalaki sa Barangay San Jose, Navotas City matapos itong mahulihan ng baril at iligal na droga. Kinilala ni Police Col. Allan Umipig, hepe ng Navotas City Police Station, ang nahuling suspect na si alyas “Jay-R Toyo”. Sa ikinasang buy bust operation ng mga pulis, nasabat ang 13 plastic sachet ng hinihinalang shabu… Continue reading Isang lalaki na umano’y sangkot sa bentahan ng iligal na droga, timbog sa Navotas City

Babaeng nagpanggap na kawani ng Korte Suprema, inaresto ng NBI

Inaresto ng National Bureau of Investigation ang isang babae na nagpanggap umanong kawani ng Korte Suprema na nag-aalok ng non-appearance services para sa mga kaso ng pagpapawalang-bisa ng kasal. Sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation Cybercrime Division, inaresto ang suspek na si Jay Ann Balabagno o Jay Ann Anderson… Continue reading Babaeng nagpanggap na kawani ng Korte Suprema, inaresto ng NBI

Patas, mabilis na paggulong ng kaso ng pamamaslang kay Percy Lapid, inaasahan ni Sen. Hontiveros

Umaasa si Senador Risa Hontiveros na magiging patas at mabilis na gugulong ang hustisya sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid. Ito ay matapos masampahan na ng kaso ng Department of Justice (DOJ) si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag. Ayon kay Hontiveros, mahalagang hakbang ito para makamit ang hustisya para sa… Continue reading Patas, mabilis na paggulong ng kaso ng pamamaslang kay Percy Lapid, inaasahan ni Sen. Hontiveros

??????? ?? ???? ????? ???? ???. ????? ????? ?? ? ???? ????, ???????? ?? ?? ???? ?? ???

Pormal nang inihain ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kaso laban kina Negros Oriental Rep. Arnulfo “Arnie” Teves Jr. gayundin sa dalawang anak nito Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong hapon, sinabi ni PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo na alas-3:00 ngayong hapon nang ihain sa Department of Justice… Continue reading ??????? ?? ???? ????? ???? ???. ????? ????? ?? ? ???? ????, ???????? ?? ?? ???? ?? ???

₱1.2-B halaga ng droga, nasabat ng PNP mula Enero hanggang Marso

Umabot sa ₱1.2-bilyong pisong halaga ng ilegal na droga ang narekober ng Philippine National Police (PNP) mula January 1 hanggang March 10 sa taong ito. Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. resulta ito ng 9,375 na operasyon sa buong bansa kung saan naaresto ang 12,622 big time drug pusher at street level… Continue reading ₱1.2-B halaga ng droga, nasabat ng PNP mula Enero hanggang Marso

PNP, PDEA, aminado na di agad nasisira ang nakumpiskang droga

Inamin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na hindi nila agad nasisira ang mga iligal na droga na nasasabat sa mga operasyon. Sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs patungkol sa recycling ng droga, nausisa ni Antipolo Representative Romeo Acop kung bakit nananatili sa kustodiya ng dalawang ahensya ang… Continue reading PNP, PDEA, aminado na di agad nasisira ang nakumpiskang droga