Mga paratang laban kay Negros Oriental Rep. Teves, dapat tapatan ng ebidensya ayon sa mambabatas

Hinamon ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ang DOJ na ilabas ang lahat ng ebidensya na susuporta sa mga alegasyon na ibinabato sa kaniya. Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Teves na dapat ay ipakita ng DOJ ang mga sworn affidavit at iba pang katibayan sa pahayag ng mga umano’y witness na nag-uugnay… Continue reading Mga paratang laban kay Negros Oriental Rep. Teves, dapat tapatan ng ebidensya ayon sa mambabatas

BSKE sa Negros Oriental, pinag-aaralan na ng COMELEC kung itutuloy pa

Tiniyak ng Commission in Elections (COMELEC) na masusi nilang pag-aaralan ang mungkahi na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Negros Oriental. Ang BSKE ay nakatakda sa October 30 ng taong ito. Pero ayon kay COMELEC Chairperson George Garcia, may mga requirements na kailangan bago ito maisagawa. Nabatid na salig Sections 5 at 6… Continue reading BSKE sa Negros Oriental, pinag-aaralan na ng COMELEC kung itutuloy pa

Iloilo City, idineklara ang May 22 bilang PH-Australia Friendship Day sa lungsod

Naglabas ang lokal na pamahalaan ng Iloilo ng isang Executive Order na naglalayong magkaroon ng Philippine – Austraila Friendship Day sa Lungsod ng Iloilo. Sa inilabas na Executiver Order 46 ng iloilo City Government, ang padedeklara sa May 22 na Philippine – Austrialia Friendship Day sa lungsod ay bilang pagkilala sa pagkakaroon ng maayos na… Continue reading Iloilo City, idineklara ang May 22 bilang PH-Australia Friendship Day sa lungsod

Siphoning o paghigop sa mga natitirang langis sa M/T Princess Empress, posibleng abutin ng 2 buwan — OCD

Inaasahang tatagal ng hanggang dalawang buwan ang gagawing siphoning o paghigop sa mga natitirang langis na nasa loob ng mga tangke ng lumubog na Motor Tanker o M/T Princess Empress, sa karagatang sakop ng Oriental Mindoro. Ito ang inihayag ni Office of the Civil Defense (OCD) Administrator Undercsecretary Ariel Nepomuceno sa isinagawang pulong balitaan ukol… Continue reading Siphoning o paghigop sa mga natitirang langis sa M/T Princess Empress, posibleng abutin ng 2 buwan — OCD

Negros Oriental Rep. Arnie Teves, sinabing may dalawang opisyal na nais siyang ipapatay

Muntik nang maiyak si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa isang panayam sa telebisyon sa paggiit na may banta sa kaniyang buhay. Sa panayam, natanong si Teves kung bakit patuloy nitong binabalewala ang panawagan ni House Speaker Martin Romualdez at maging ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na umuwi ng bansa kung inosente naman… Continue reading Negros Oriental Rep. Arnie Teves, sinabing may dalawang opisyal na nais siyang ipapatay

Mambabatas, isinusulong ang pagsusspindi ng BSKE sa Negros Oriental

Iminumungkahi ni Senador Francis Tolentino na ipagpaliban na muna ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Negros Oriental sa gitna ng peace and order situation sa naturang probinsya. Sa pagdinig ng senado tungkol sa mga kaso ng patayan sa Negros Oriental, sinabi ni Tolentino na magkakaroon ng mas malakas na momentum ang peacekeeping forces… Continue reading Mambabatas, isinusulong ang pagsusspindi ng BSKE sa Negros Oriental

Mga substation sa North Luzon, in-upgrade ng NGCP

Pinasigla na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga bagong power transformer nito sa ilang substation sa North Luzon. Ayon sa NGCP, ito ay bahagi ng second stage ng North Luzon Substation Upgrading Project nito na layong mapabuti pa ang mga serbisyo ng paghahatid ng kuryente. Noong Pebrero, pinasigla ng NGCP ang… Continue reading Mga substation sa North Luzon, in-upgrade ng NGCP

DAR, BJMP, nag-renew ng partnership upang mabawsan ang gutom at kahirapan sa Negros Occidental

Muling magtutulungan ang Department of Agrarian Reform at Bureau of Jail Management and Penology para sa kanilang misyon na maibsan ang kagutuman at kahirapan sa Negros Occidental. Isang marketing agreement sa ilalim ng Partnership Against Hunger and Poverty program, ang nilagdaan na ng DAR at BJMP . Susuportahan ng dalawang ahensya ang feeding programs at… Continue reading DAR, BJMP, nag-renew ng partnership upang mabawsan ang gutom at kahirapan sa Negros Occidental

Lokal na terorista, patay sa engkwentro sa Lanao del Sur

Nasawi ang isang lokal na terorista sa enkwentrong naganap sa pagitan ng mga tropa ng 51st Infantry Battalion at 10 miyembro ng Daulah Islamiyah sa Barangay Kalaludan, Pagayawan, Lanao del Sur. Ayon kay Maj. Gen. Antonio Nafarrete, Commander ng Joint Task Force ZamPeLan, iniwan ng mga kalaban ang nasawi nilang kasamahan nang magsitakas pagkatapos ng… Continue reading Lokal na terorista, patay sa engkwentro sa Lanao del Sur

League of Municipalities of the Phil. Cagayan Chapter, suportado ang EDCA sites sa lalawigan

Nagpahayag ng suporta ang League of Municipalities of the Philippines – Cagayan Chapter sa paglalagay ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa kanilang lalawigan. Ito’y sa pamamagitan ng resolusyon na nilagdaan ng 19 mula sa kabuuang 28 mayors sa Cagayan. Nakasaad sa resolusyon na pabor ang mga alkalde sa paglalagay ng EDCA sites sa… Continue reading League of Municipalities of the Phil. Cagayan Chapter, suportado ang EDCA sites sa lalawigan