Financial assistance para sa mga tauhan ng PNP Pangasinan na may malubhang sakit, ipinagkaloob

Ilang mga pulis sa lalawigan ng Pangasinan na bed-ridden na at terminally ill ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Police Provincial Office. Sa ginawang flag-raising ceremony ng Pangasinan PPO kanina ay isinabay na ang pamamahagi ng financial assistance sa kanilang mga kasamahan na tuloy-tuloy na sumasailalim sa gamutan dahil sa kani-kanilang mga sakit. Binigyan ng… Continue reading Financial assistance para sa mga tauhan ng PNP Pangasinan na may malubhang sakit, ipinagkaloob

Ganap na pagiging batas ng New Agrarian Emancipation Act, bagong simula para sa mga magsasaka

Magsislbing bagong simula para sa mga magsasaka ang pagiging ganap na batas ng New Agrarian Emancipation Act ayon kay Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co. Ayon sa mambabatas, dahil sa burado na ang pagkakautang ng mga agrarian reform beneficiary (ARB) sa kanilang lupain, ay mabibigyang access din sila sa iba pang support service at credit… Continue reading Ganap na pagiging batas ng New Agrarian Emancipation Act, bagong simula para sa mga magsasaka

Higit 200 CARP beneficiaries sa Calabarzon, pinagkalooban ng titulo ng lupa ng DAR

May kabuuang 230 magsasaka sa CALABARZON na benepisyaryo ng agrarian reform program ang pinagkalooban ng 267 pinagsamang individual at electronic land titles (e-titles) at certificates of land ownership award mula sa Department of Agrarian Reform (DAR). Saklaw nito ang 241.8 ektaryang lupain na matatagpuan sa Batangas, Cavite, Laguna, Quezon I, at Quezon II. Sinabi ni… Continue reading Higit 200 CARP beneficiaries sa Calabarzon, pinagkalooban ng titulo ng lupa ng DAR

Mga nasunugan sa Cotabato City, pinaabutan ng tulong ng Speaker’s Office at Tingog party-list

Agad sumaklolo ang Office of the Speaker at Tingog Party-list sa mga nasunugan sa Cotabato City. Nasa 200 pamilya ang naapektuhan ng sunog na naganap noong Hulyo 5, 2023 sa Purok Tadman, Poblacion 7, Cotabato City. Tinatayang 80 kabahayan ang natupok. Bilang paunang tulong, agad nagpadala ang Tingog Party-list Cotabato ng 250 na hot meals… Continue reading Mga nasunugan sa Cotabato City, pinaabutan ng tulong ng Speaker’s Office at Tingog party-list

Higit 1k magsasaka sa Cebu, Bohol at Negros Oriental, kabilang sa mga nakatanggap ng CLOA mula sa DAR

Mula sa pagiging tenants, matatawag na ngayong may-ari ng lupang kanilang sinasaka ang higit 1,000 magsasaka sa Central Visayas. Ito ay matapos na maipagkaloob sa mga Agrarian Reform Beneficiaries ang Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa pamamagitan Department of Agrarian Reform (DAR) sa isinagawang programa sa bayan ng Valencia, lalawigan ng Negros Oriental. Kabilang… Continue reading Higit 1k magsasaka sa Cebu, Bohol at Negros Oriental, kabilang sa mga nakatanggap ng CLOA mula sa DAR

Community pantry para sa mga binahang residente sa Bukidnon, binuksan na

Pormal na binuksan ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores ang community pantry para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa kaniyang distrito. Una itong inilunsad sa Brgy. Managok na siyang pinakanasalanta. Ang mga residente ay nakakuha dito ng bigas, gulay at itlog. Hiningi ng mambabatas ang tulong ng city agriculture para makuha ang suplay mula… Continue reading Community pantry para sa mga binahang residente sa Bukidnon, binuksan na

Pagtalaga ng bagong hepe ng Negros Oriental Provincial Police Office personal na pinangasiwaan ni DILG Sec. Abalos

Personal na bumisita si Department of Interior and Local Government Secretary Atty. Benjamin Abalos, Jr. sa mismong araw na itinalaga ang bagong hepe ng Negros Oriental Police Provincial Office. Kasama ni Abalos si Philippine National Police deputy chief Police Lt. Gen. Michael John Dubria. Sabado, July 8, 2023 pormal na itinalaga si NOPPO acting Provincial… Continue reading Pagtalaga ng bagong hepe ng Negros Oriental Provincial Police Office personal na pinangasiwaan ni DILG Sec. Abalos

Papaya sa Ilocos Norte, pinagkaguluhan dahil kahugis ito ng kamay

Agaw-atensyon sa netizens ang bunga ng isang papaya dahil kahawig ito ng isang kamay sa Brgy. Maananteng sa bayan ng Solsona. Ito ay tanim mismo ni Ricky dela Cruz Semana na matatagpuan sa likod ng kanilang bahay. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Laoag kay Semana, nabigla na lamang ito noong nakita ang bunga ng kanyang… Continue reading Papaya sa Ilocos Norte, pinagkaguluhan dahil kahugis ito ng kamay

DOLE Region 1, tiniyak ang patuloy na pagpapahalaga sa mga mamamayan kasunod ng kanilang pagkamit ng Silnag award

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 ang lalo pang pagpapabuti sa kanilang mga programa at serbisyo na ipinagkakaloob sa publiko. Kasunod ito ng pagkamit ng ahensiya ng prestihiyosong parangal na “Dayaw ti Agimanman Silnag Award,” mula sa National Economic and Development Authority (NEDA)-Region 1 at Regional Development Council (RDC)-Region 1. Ang… Continue reading DOLE Region 1, tiniyak ang patuloy na pagpapahalaga sa mga mamamayan kasunod ng kanilang pagkamit ng Silnag award

Bulkang Mayon, patuloy pa ring naglalabas ng lava pero mabagal na dumadaloy -PHIVOLCS

Patuloy pang naglalabas ng lava ang bulkang Mayon sa Legaspi, Albay. Base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), aabot na sa 2,800 at 1,300 kilometro ang haba ng dumadaloy na lava sa Mi-isi at Bonga gullies at nakapagdeposito na ng collapse debris ng 4,000 metro na mula sa crater. Sa nakalipas… Continue reading Bulkang Mayon, patuloy pa ring naglalabas ng lava pero mabagal na dumadaloy -PHIVOLCS