PNP, may lead na sa kasong pagpatay sa isang human rights lawyer sa Abra

May hawak nang lead ang pulisya sa kaso ng pinaslang na human rights lawyer sa Bangued, Abra. Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda, bagama’t tumanggi muna siyang idetalye ang impormasyon. Huwebes ng hapon nang pagbabarilin ng riding in tandem si Atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales Alzate habang nasa loob ng kanyang… Continue reading PNP, may lead na sa kasong pagpatay sa isang human rights lawyer sa Abra

Pagkawala ng 2 aktibista sa Bataan, iniimbestigahan na ng PNP

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa magulang ng 2 batang aktibista na napaulat na dinukot sa bayan ng Orion, lalawigan ng Bataan. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo, iniulat sa kanila ng Bataan Provincial Police Office na batid na ng mga magulang nila Jhed Tamano at Jonila Castro. Sina… Continue reading Pagkawala ng 2 aktibista sa Bataan, iniimbestigahan na ng PNP

Muling paggamit ng batuta at pito ng mga pulis, isinusulong ni Sen. Bato dela Rosa

Minumungkahi ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ibalik ng pambansang pulisya ang paggamit ng mga batuta at pito. Ito ay para aniya maiwasan na hindi magpaputok ng baril ang mga pulis sa paghahabol ng mga kriminal o paninita sa kalsada. Sa pagdinig ng Senate panel… Continue reading Muling paggamit ng batuta at pito ng mga pulis, isinusulong ni Sen. Bato dela Rosa

Marijuana plantation sa Kalinga, sinira ng awtoridad

Umabot sa Php 240,000 ang halaga ng fully grown marijuana plants na sinira ng mga awtoridad kahapon sa isang marijuana plantation sa barangay Apatan, Pinukpuk, Kalinga. Ayon kay PNP information officer P/Capt. Ruff Manganip ng Kalinga, matapos malaman ng mga awtoridad ang marijuana plantation sa mga sibilyan kaagad na nagsagawa ng joint operatives ang PNP,… Continue reading Marijuana plantation sa Kalinga, sinira ng awtoridad

Kampo at mga kagamitang pandigma ng CTG, nadiskubre sa Sagada, Mountain Province

Ayon sa impormasyon na inilabas ng PNP Mountain Province PIO, nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad ang abandonadong ‘encampment’ o kampo ng pinaghihinalaang Communist Terrorist Group (CTG) sa Mount Ampucao, Brgy. Balugan, Sagada, Mountain Province, habang sila’y nagsasagawa ng reconnaissance at combat patrol operation sa lugar sa araw ng Martes, August 15, 2023.… Continue reading Kampo at mga kagamitang pandigma ng CTG, nadiskubre sa Sagada, Mountain Province

DOJ, muling pinulong ang pamilya ng mga nawawalang sabungero

Inihayag ngayon ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla na kanilang rerepasuhin ang kaso ng mga nawawalang sabungero. Ito’y ayon sa Kalihim makaraang humarap ngayong araw sa kanilang tanggapan ang ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero para humingi ng update hinggil sa tinatakbo ng kaso. Sa ipinatawag na pulong balitaan ngayong hapon, inamin… Continue reading DOJ, muling pinulong ang pamilya ng mga nawawalang sabungero

PNP, tiniyak ang seguridad sa nalalapit na FIBA World Cup

Bumuo na ng isang Security Task Force ang Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa nakatakdang pagho-host ng Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup. Ayon kay PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., partikular sa kanilang tututukan ang latag ng seguridad para sa mga dadalo gayundin sa mga kalahok at mga lugar na pagdarausan ng nasabing… Continue reading PNP, tiniyak ang seguridad sa nalalapit na FIBA World Cup

Gen. Acorda, kinilala ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa malalaking huli ng droga sa Western Visayas

Kinilala ni PNP Chief P/General Benjamin Acorda Jr. ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa malalaking huli ng iligal na droga sa Western Visayas. Ayon kay Acorda, maraming impormasyong natatanggap ang kapulisan mula sa komunidad na nagreresulta sa matagumpay na anti-drug operation. Sa datos ng Police Regional Office 6, umabot sa P86 milyong halaga ng iligal… Continue reading Gen. Acorda, kinilala ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa malalaking huli ng droga sa Western Visayas

Acorda kinumpirmang may nasampahan na ng kaso sa 18 3rd level officers ng PNP na nag-courtesy resignation

Kinumpirma ni PNP Chief P/General Benjamin Acorda Jr. na may mga nasampahan na ng kaso sa 18 matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nag-courtesy resignation na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Acorda, may mga nasampahan na ng kasong administratibo at kriminal sa nasabing mga pulis. Kasama ito sa 69… Continue reading Acorda kinumpirmang may nasampahan na ng kaso sa 18 3rd level officers ng PNP na nag-courtesy resignation

Mga tatanggaping courtesy resignation ni PBBM mula sa hanay ng PNP, posibleng madagdagan pa – DOJ

Kumpiyansa ang Department of Justice (DOJ) na walang kahaharaping legal na usapin ang pagtanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mga courtesy resignation mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP). Ito ang inihayag ni justice Sec. Jesus Crispin Remulla kasunod ng pagtanggap ni Pangulong Marcos Jr. sa courtesy resignation ng may labing walong… Continue reading Mga tatanggaping courtesy resignation ni PBBM mula sa hanay ng PNP, posibleng madagdagan pa – DOJ