Bagong Basilan-Cotabato RoRo Service, pinasinayaan

Matagumpay na nailunsad ang bagong Basilan-Cotabato Roll-on Roll-off (RoRo) Sevice sa pamamagitan ng suporta ng United States Agency for International Development (USAID). Ang proyekto na inilunsad nitong Martes ng BARMM Ministry of Transport and Communications (MoTC), sa pakikipagtulungan ng Mindanao Development Authority (MinDA) at USAID, ay inaasahang magpapalago sa ekonomiya ng rehiyon sa pamamagitan ng… Continue reading Bagong Basilan-Cotabato RoRo Service, pinasinayaan

Pagpapalawig sa tax exemption sa mga patungo ng BIMO-EAGA, pinagtibay ng Kamara

Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Resolution 454. Layon nitong himukin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawigin ang polisiya na magbibigay ng tax exemption sa mga biyahero patungo sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East Asean Growth Area (BIMP-EAGA). 2018 nang simulan ang naturang polisiya sa ilalim ng Duterte Administration kung saan hindi pagbabayarin ng… Continue reading Pagpapalawig sa tax exemption sa mga patungo ng BIMO-EAGA, pinagtibay ng Kamara

Lady solon, pintitiyak ang agarang pagpasa ng panukalang magbabawal sa “No Permit, No Exam” policy

Umapela si Las Piñas Rep. Camille Villar sa mga kasamahang kongresista na unahing ipasa ang panukalang magbabawal sa ‘No Permit, No Exam’ sa pagbabalik sesyon sa May 8. Kasunod ito ng social media post ng ilang estudyante na kinailangan pang pumila ng hatinggabi para lamang makakuha ng examination permit. Para sa kinatawan, hindi dapat hadlangan… Continue reading Lady solon, pintitiyak ang agarang pagpasa ng panukalang magbabawal sa “No Permit, No Exam” policy

???? ??? ????? ????? ??, ‘??? ???????? ?? ???? ????

MARAMING fake news ang kumakalat kaugnay ng SIM Card Registration. Isa dito ay mawawala ang inyong pera sa GCash kung hindi kayo magpaparehistro. HINDI ITO TOTOO. Ito ay fake news na galing sa mga taong gustong guluhin ang adhikain ng gobyerno at ang layunin ng GCash para magbigay ng digital financial services sa mga Pilipino.… Continue reading ???? ??? ????? ????? ??, ‘??? ???????? ?? ???? ????

Expanded coverage, benepisyo para sa mga miyembro ng PHILHEALTH, ilalarga na

???????? ????????, ????????? ???? ?? ??? ???????? ?? ??????????, ???????? ?? Nakatakda nang pagulungin ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) ang expanded coverage at benefits para sa kanilang mga miyembro. Ayon kay PHILHEALTH President at CEO Emmanuel Ledesma, kabilang sa mga kanilang ipatutupad ay ang pagdaragdag ng outpatient hemodialysis session sa 156 mula sa dating… Continue reading Expanded coverage, benepisyo para sa mga miyembro ng PHILHEALTH, ilalarga na

Konstruksyon ng dalawang istasyon ng Metro Manila Subway sa QC, sisimulan na

Tuloy-tuloy na ang pag-usad ng konstruksyon para sa kauna-unahang Metro Manila Subway o Underground Railway system sa bansa. Kanina pinangunahan nina Transportation Secretary Jaime J. Bautista, at ng mga opisyal mula sa Japan International Cooperation Agency ang groundbreaking ceremony para sa dalawang underground stations at tunnels ng MMSP. Ito ay ang Quezon Avenue at East… Continue reading Konstruksyon ng dalawang istasyon ng Metro Manila Subway sa QC, sisimulan na

Construction worker na namaril sa dating nakaalitan, arestado sa QC

Nahuli sa manhunt operation ng pulisya ang 33-taong gulang na construction worker sa bahagi ng IBP Road sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City. May warrant of arrest ang lalaki sa kasong attempted murder. Ayon kay Police Major Kenneth Leaño, deputy station commander ng QCPD Station-6, nag-ugat ang kaso matapos umano barilin ang isang kakilala sa… Continue reading Construction worker na namaril sa dating nakaalitan, arestado sa QC

Lady solon, pinatitiyak na agad ipapasa ang ‘No Permit, No Exam’ bill sa pagbabalik sesyon ng Kongreso

Umapela si Las Piñas Representative Camille Villar sa mga kasamahang kongresista na unahing ipasa ang panukalang ‘No Permit, No Exam.’ Kasunod ito ng social media post ng ilang estudyante na kinailangan pang pumila ng hatinggabi para lamang makakuha ng examination permit. Para sa kinatawan, hindi dapat hadlangan ang mga mag-aaral na makakuha ng pagsusulit dahil… Continue reading Lady solon, pinatitiyak na agad ipapasa ang ‘No Permit, No Exam’ bill sa pagbabalik sesyon ng Kongreso

Higit 60-milyong PhilIDs at ePhilIDs, naipamahagi na ng PSA

Tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang distribusyon ng pamahalaan ng PhilID at ePhilID. Sa pinakahuling update mula sa PhilSys, higit 60 milyong pinagsamang PhilIDs at ePhilIDs na ang na-issue ng PSA kung saan 29.1 milyon ang nai-deliver nang PhilIDs habang 30.7 milyon naman ang ePhilIDs. Itinuturing naman ni Philippine Statistics Authority (PSA) Undersecretary Dennis Mapa, na… Continue reading Higit 60-milyong PhilIDs at ePhilIDs, naipamahagi na ng PSA

COVID positivity rate sa Metro Manila, muling sumirit — OCTA

Inanunsyo ng OCTA Research ang muling pagtaas ng positivity rate o bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 mula mga na-test sa Metro Manila. Batay sa latest update ng  OCTA Research group, umakyat pa sa 13.4% ang COVID-19 weekly positivity rate sa Metro Manila nitong April 25, mula yan sa 8.4% na naitala noong April 19.… Continue reading COVID positivity rate sa Metro Manila, muling sumirit — OCTA