Dagdag buwis sa sweetened beverages, kailangan pa ring aralin ayon sa House tax Chief

Kailangan araling mabuti ang planong dagdag buwis sa sweetened beverages. Ito ang inihayag ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa kabila ng pagbaba sa inflation rate sa 5.4%. Punto ng mambabatas, kahit bumagal ang inflation ay ilang food items ang nananatiling mataas. Halimbawa aniya nito ang harina at tinapay na nasa 11%… Continue reading Dagdag buwis sa sweetened beverages, kailangan pa ring aralin ayon sa House tax Chief

20 panukala, naaprubahan sa ikalawang LEDAC meeting, upang mabigyang prayoridad at maipasa ng Kongreso hanggang sa December, 2023

Pahayag ito ni Budget Secretary Amenah Pangandaman kasunod ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting na idinaos sa Malacañang, ngayong araw (July 5), sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Kabilang sa mga panukalang batas ang: Build-Operate-Transfer Law,Public-Private Partnership bill,National Disease Prevention Management Authority, Internet Transactions Act or E-commerce law, Medical Reserve Corps,Virology Institute… Continue reading 20 panukala, naaprubahan sa ikalawang LEDAC meeting, upang mabigyang prayoridad at maipasa ng Kongreso hanggang sa December, 2023

Operasyon ng PNP sa isang POGO hub sa Las Piñas City, pinapurihan ng Singaporean Embassy

Nagpasalamat ang Philippine National Police (PNP) sa Ministry of Foreign Affairs ng Singapore gayundin ng Embahada nito sa Pilipinas. Ito’y makaraang papurihan ng Singapore ang PNP dahil sa matagumpay na operasyon nito laban sa isang POGO hub sa Las Piñas City kamakialan na nagresulta sa pagkakasagip sa may 2 libong online workers na biktima ng… Continue reading Operasyon ng PNP sa isang POGO hub sa Las Piñas City, pinapurihan ng Singaporean Embassy

OVP, naglabas ng pahayag kaugnay sa paggamit ng confidential fund na na-flag ng COA

Naglabas ng pahayag ang Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa paggamit nito ng confidential expenses nitong 2022. Ito ay matapos punahin ng Commission on Audit (COA) ang paggamit nito sa naturang pondo na umabot sa P125 milyon habang bumaba umano ang expenses sa mga social subsidy. Ayon sa inilabas na pahayag ng OVP,… Continue reading OVP, naglabas ng pahayag kaugnay sa paggamit ng confidential fund na na-flag ng COA

DFA, tututukan ang pagpasok ng mga foreign fugitive sa bansa

Mahigpit na binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpasok ng mga dayuhang pumapasok sa bansa lalo na iyong mga nagmula sa China. Ito’y matapos maitala ng mga awtoridad ang pagkakahuli gayundin ang pagkakasagip sa ilang Chinese national na nagtatrabaho sa ilang POGO company na iligal na nag-ooperate sa bansa. Ayon kay DFA Office… Continue reading DFA, tututukan ang pagpasok ng mga foreign fugitive sa bansa

CLiMA, inilunsad ng Pasig City Local Government

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 450th Araw ng Pasig, inilunsad ngayong araw ng Pasig City Local Government ang City-Wide Land Information Management and Automation (CLiMA). Sa ilalim nito ay gagamit ang Pasig City LGU ng geographic information system (GIS) para magkaroon ng digital mapping ng buong lungsod kabilang na ang mga imprastrakturang nakatayo sa Pasig… Continue reading CLiMA, inilunsad ng Pasig City Local Government

Mahigit 90,000 kilo ng recyclable materials, nakolekta ng “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” Project ng MMDA

Photo courtesy of Department of Public Services-Manila FB page

Umabot na sa halos 90,000 kilo ng basura ang nakolekta ng Mobile Materials Recovery Facility “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” Project ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), simula Enero hanggang Hunyo 27 ngayong taon. Ayon sa MMDA, mahigit P300,000 naman ang halaga ng mga grocery item na naipamahagi sa mga naipon at nagpapalit ng kanilang… Continue reading Mahigit 90,000 kilo ng recyclable materials, nakolekta ng “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” Project ng MMDA

QCPD, may 10 persons of interest na sa kaso ng sexual assault sa isang UP student

May sampung persons of interest na ang iniimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) tangkang panggagahasa sa UP student sa loob ng campus noong sabado ng gabi. Ayon kay QCPD District Director General Nicolas Torre III, bagamat walang CCTV sa lugar ng pinangyarihan ay nakakuha ang mga pulis ng footages sa limang mga CCTV na… Continue reading QCPD, may 10 persons of interest na sa kaso ng sexual assault sa isang UP student

Buwis sa vape products, pinatataasan

Nais ni Anakalusugan Party-list Representative Rey Reyes na taasan ang buwis na ipinapataw sa e-cigarettes at vape products. Maliban aniya sa makakadagdag ito sa pondo para sa Universal Health Care Law ay mapipigil din nito ang mga kabataan na tangkilikin ang naturang produkto.   Tinukoy ng mambabatas ang pag-aaral ng Global Youth Tobacco Survey noong… Continue reading Buwis sa vape products, pinatataasan

DENR, namahagi ng higit 300 titulo sa Cagayan Valley kaugnay sa selebrasyon ng Philippine Environment Month

Nasa 316 titulo ng lupa ang iginawad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga benepisyaryo sa Cagayan Valley. Bahagi ito ng selebrasyon ng Philippine Environment Month na may temang “Whole of Society for Climate Resiliency.” Ang “handog titulo” ay ipinamahagi sa ginanap na serye ng caravan cum people’s day sa Lalawigan ng… Continue reading DENR, namahagi ng higit 300 titulo sa Cagayan Valley kaugnay sa selebrasyon ng Philippine Environment Month