Liberalisasyon ng edukasyon sa ilalim ng itinutulak na economic chacha, makatutulong sa pagkamit ng bagong mga kaalaman ng mga Pilipino

Malaking tulong para sa dagdag kaalaman ng mga Pilipino kung mabubuksan ang sektor ng edukasyon sa dayuhang mamumuhunan. Ito ang binigyang diin nina House Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, at Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) Deputy Secretary General Dr. Romulo Emmanuel Miral Jr. sa isang pulong balitaan. Kasama ang… Continue reading Liberalisasyon ng edukasyon sa ilalim ng itinutulak na economic chacha, makatutulong sa pagkamit ng bagong mga kaalaman ng mga Pilipino

Sen. Grace Poe: Panahon nang higpitan ang batas vs. financial scamming

Binigyang diin ni Senator Grace Poe ang kahalagahan ng paglalatag ng mas mahigpit na polisiya para masugpo ang financial fraud at maprotektahan ang pinaghirapang pera ng mga Pilipino. Sa gitna na rin aniya ito ng tumataas na bilang ng mga kababayan nating gumagamit ng online banking at digital payments. Ibinahagi ng senator na noong 2022,… Continue reading Sen. Grace Poe: Panahon nang higpitan ang batas vs. financial scamming

Pangulong Marcos Jr., hindi tumutol sa taas kontribusyon ng PhilHealth

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may basbas na mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 5 porsyentong umento sa premium hike para sa mga miyembro nito. Sa pulong balitaan sa Pasig City ngayong araw, sinabi ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma na matapos nilang ilatag sa Pangulo ang kanilang hakbang,… Continue reading Pangulong Marcos Jr., hindi tumutol sa taas kontribusyon ng PhilHealth

Mga tropa ng Phil Army at PNP, pinuri ng AFP-VISCOM Commander sa nutralisasyon ng top NPA leader sa Bohol

Pinuri ni Armed Forces of the Philippines Visayas Command (AFP-VISCOM) Commander Lt. General Benedict Arevalo ang mga tropa ng 47th Infantry Battalion at PNP sa nutralisasyon ng top NPA leader sa Bohol kaninang umaga. Si Domingo Jaspe Compoc aka Silong, ang Secretary ng nabuwag na Bohol Party Committee, ay kabilang sa limang terorista na nasawi… Continue reading Mga tropa ng Phil Army at PNP, pinuri ng AFP-VISCOM Commander sa nutralisasyon ng top NPA leader sa Bohol

Taguig LGU at DFA, nagsagawa ng Diplomatic Disaster Preparedness sa mga embahada sa lungsod

Naglunsad ng Diplomatic Briefing on Disaster Preparedness ang Taguig City LGU sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs DFA para sa mga embahada at international organization na may mga tanggapan sa lungsod. Nagtipon sa briefing ang mga diplomat at kinatawan ng mga organisasyon mula sa 20 embahada sa Taguig upang matutunan kung paano maghanda para… Continue reading Taguig LGU at DFA, nagsagawa ng Diplomatic Disaster Preparedness sa mga embahada sa lungsod

Mga mamimili sa Agora Public Market sa San Juan, umaasang magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng bigas

Umaasa ang mga mamimili sa Agora Public Market sa San Juan City na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba sa presyo ng bigas sa mga pamilihan. Ito’y kasunod na rin ng pagdami ng suplay ng bigas bunsod ng panahon ng anihan gayundin ang pagdating ng mga imported na bigas sa bansa. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, may… Continue reading Mga mamimili sa Agora Public Market sa San Juan, umaasang magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng bigas

ERC, magbubuo ng isang Task Force para i-monitor at imbestigahan ang mga alegasyon hinggil sa anti-competitive practice sa power sector

Magsasanib puwersa ang Energy Regulatory Commission o ERC at ang Philippine Competition Commission o PCC para bantayan at imbestigahan ang mga alegasyon kaugnay ng anti-competitive practice sa power sector. Sa isang pahayag, sinabi ng ERC na alinsunod ito sa nilagdaang Memorandum of Agreement o MoA sa pagitan nila ng PCC noong 2019 bilang tugon sa… Continue reading ERC, magbubuo ng isang Task Force para i-monitor at imbestigahan ang mga alegasyon hinggil sa anti-competitive practice sa power sector

Isyu sa break system, sanhi ng nagkaaberyang c130 aircraft sa taxiway ng NAIA ayon sa Philippine Air Force

Tiniyak ng Philippine Air Force na walang dapat ipangamba sa c130 aircraft na nagkaaberya sa taxiway ng NAIA kahapon. Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, mayroon lamang na inayos sa break system ng eroplano kaya kinailangan huminto ito sa bahagi ng taxiway ng airport. Dahil dito ay kinailangang i-abort o hindi na ituloy… Continue reading Isyu sa break system, sanhi ng nagkaaberyang c130 aircraft sa taxiway ng NAIA ayon sa Philippine Air Force

Presyo ng produktong petrolyo posibleng bumaba sa susunod na linggo — DOE

Magandang balita para sa mga motorista! Inaasahang magkakaron ng roll back sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo. Batay sa pinakahuling trading mula sa Oil Industry Management Bureau, posibleng umabot sa P0.70 hanggang P0.90 ang ibaba kada litro ng gasolina; P1.00 to P1.20 naman ang posibleng ibaba sa kada litro ng diesel habang… Continue reading Presyo ng produktong petrolyo posibleng bumaba sa susunod na linggo — DOE

Marine Research Station, itatayo ng DENR sa Cagayan

Kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isa ang Sta. Ana, Cagayan sa napiling project site para sa itatayong marine research station. Ito ay para mapalakas pa ang kapasidad sa pananaliksik ng Biodiversity Management Bureau sa ocean science. Kamakailan lang, binisita na ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang munisipalidad kung saan… Continue reading Marine Research Station, itatayo ng DENR sa Cagayan