Hiwalay na botohan ng Senado at Kamara para sa pag-amyenda ng Konstitusyon, iginiit ni Sen. Jinggoy Estrada

Nagbabala si Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng planong pagpapatawag ng Constituent Assembly para talakayin ang panukalang amyenda sa economic provision ng Saligang Batas. Para kay Estrada, trap lang ito para mapilitan ang Senado na bumoto ng iisa kasama ng mga kongresista ng Kamara. Giit ni Estrada, labag ito sa Saligang batas. Pinunto ng senador na… Continue reading Hiwalay na botohan ng Senado at Kamara para sa pag-amyenda ng Konstitusyon, iginiit ni Sen. Jinggoy Estrada

Pinaigting na proteksyon para sa mga OFW, ipinanawagan ni Sen. Joel Villanueva

Ikinagalak ni Senate Majority leader Joel Villanueva ang desisyon ng Appellate Court ng Kuwait na katigan ang guilty verdict laban sa pumaslang sa kababayan nating si Jullebee Ranara. Binigyang diin ni Villanueva na hindi titigil ang ating pamahalaan hangga’t hindi naisisilbi ang hustisya na nararapat para sa OFW na nakaranas ng paghihirap sa ibang bansa.… Continue reading Pinaigting na proteksyon para sa mga OFW, ipinanawagan ni Sen. Joel Villanueva

Illegal recruiter, huli sa ikinasang entrapment operation ng DMW at Mandaluyong Police

Arestado ang illegal recruiter sa ikinasang joint entrapment operation ng mga tauhan ng Department of Migrant Workers Migrant Workers Protection Bureau (DMW-MWPB) at Mandaluyong City Police. Kinilala ang suspek na si Marjorie Almarez y Diaz, 33 taong gulang at residente ng Novaliches, Quezon City. Inaresto ang suspek sa aktong tinatanggap ang “boodle money” mula sa… Continue reading Illegal recruiter, huli sa ikinasang entrapment operation ng DMW at Mandaluyong Police

Lehislasyon, di na sasapat para makahikayat ng dayuhang mamumuhunan sa bansa ayon sa think tank ng Kamara

Hindi na sasapat pa ang paglikha ng batas para makahikayat ng mga foreign investment sa Pilipinas. Ito ang binigyang diin ni Congressional Policy and Budget Research Department Chief Deputy Secretary General Jun Miral sa isang pulong balitaan. Ayon sa “think tank” ng Kamara, hindi na uuubra ang legislative efforts para sa pagpapapasok ng foreign direct… Continue reading Lehislasyon, di na sasapat para makahikayat ng dayuhang mamumuhunan sa bansa ayon sa think tank ng Kamara

26 super health centers, nakatakdang itayo sa Pangasinan

Pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang ginanap na ground breaking ceremony ng itatayong Super Health Center sa bayan ng Sison, Pangasinan noong ika-22 Pebrero, 2024. Ang nasabing pasilidad ay mayroong kabuoang pondo na P12 milyon. P10 milyon sa nasabing pondo ay para sa pagpapatayo ng pasilidad at dalawang milyon naman sa mga kagamitang kakaylanganin… Continue reading 26 super health centers, nakatakdang itayo sa Pangasinan

Senado, nanindigang sa Oktubre pa nila inaasahang matapos ang pagdinig sa panukalang economic chacha

Iginiit ni Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairperson Senador Sonny Angara na sa Oktubre pa maaaring matapos ng Senado ang mga pagdinig tungkol sa panukalang pag-amyenda sa economic provision ng Saliganag Batas o ang Resolution of Both Houses no. 6. Sinabi ito ng senador matapos ipahayag ng ilang mambabatas na tatapusin ng Kamara ang mga… Continue reading Senado, nanindigang sa Oktubre pa nila inaasahang matapos ang pagdinig sa panukalang economic chacha

Moody’s Analytics, muling itinaas ang growth projection ng Pilipinas ngayong taon

Itinaas ng Moody’s Analytics ang growth projection nito sa Pilipinas sa 5.8 percent mula sa 5.4%, na kanilang inilabas noong Enero. Ayon sa Moody’s, nagpakita ng malakas na demand ang electronic sector na magtutulak ng paglago sa export sa Asia Pacific Economies. Inaasahang third-fastest performing economy ang Pilipinas sa rehiyon kasunod ng India, Vietnam, China at Indonesia. Bagaman mas… Continue reading Moody’s Analytics, muling itinaas ang growth projection ng Pilipinas ngayong taon

DMW, suportado na isama sa “high risk areas” ang Gulf of Aden para maprotektahan ang mga marinong Pilipino

Ikinalugod ng Department of Migrant Workers (DMW) ang desisyon ng International Bargaining Forum (IBF) na palawakin ang sakop ng “high risk areas” hanggang sa kabuuan ng Gulf of Aden. Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, batay sa inilabas na joint declaration ng IBF, International Transport Workers Federation, at Joint Negotiating Group of Employers noong… Continue reading DMW, suportado na isama sa “high risk areas” ang Gulf of Aden para maprotektahan ang mga marinong Pilipino

Sec. Recto sa Philippine Stock Exchange: Makipagtulungan sa gobyerno at i-transform ang capital market ng Pilipinas

Hinimok ni Finance Secretary Ralph Recto ang Philippine Stock Exchange (PSE)  na makipagtulungan sa gobyerno  at i-transform ang capital market ng Pilipinas. Aniya, dapat gamitin ng mga Pilipino ang capital market bilang daan sa paglago. Sa kanyang talumpati sa reception ng PSE, sinabi nito na susi sa economic growth kung mas malawak na access ng… Continue reading Sec. Recto sa Philippine Stock Exchange: Makipagtulungan sa gobyerno at i-transform ang capital market ng Pilipinas

DSWD, makikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at LGUs upang matugunan ang epekto ng El Niño

Lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kasama ang mga lokal na pamahalaan. Ito ay upang porml na ilunsad ang Project LAWA at BINHI o Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished, sa pamamagitan ng… Continue reading DSWD, makikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at LGUs upang matugunan ang epekto ng El Niño