Courtesy of PNP
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division ang hiling na hospital arrest ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel M. Bonoan.
Ayon kay PNP Chief PGEN Jose Melencio Nartatez Jr., kasalukuyang nasa isang pribadong ospital si Bonoan kung saan siya ay sumasailalim sa serye ng diagnostic procedures.
Sinabi ng PNP na kapag nabigyan na ng clearance ng kanyang doktor ay ililipat si Bonoan sa PNP General Hospital (PNPGH).
Nagpatupad na rin ang PNP ng mga kinakailangang security at custodial measures upang matiyak ang pagsunod sa mga kondisyong itinakda ng korte.
Anila, ang lahat ng usapin kaugnay ng kanyang pagkakakulong at paglilipat ay mananatiling saklaw ng Sandiganbayan.
Iginiit naman ng PNP ang kanilang pagtupad sa mga utos ng hukuman habang tinitiyak ang kaligtasan, seguridad, at kapakanan ng mga indibiwal na nasa ilalim ng kanilang kustodiya.