Asahan ang pagbaba sa isang oras at 45 minuto mula sa dating tatlong oras na biyahe sa pagitan ng Tacloban City at Catbalogan City, sa oras na makumpleto na ang rehabilitasyon ng Maharlika Highway sa Samar ngayong August 2026.
Ngayong araw, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inspeksyon sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng kalsada sa Pinabacdao, Samar.
Siniguro ng pangulo na mataas ang kalidad ng proyekto upang mapabuti ang interconnectivity, mapabilis ang paggalaw ng mga produkto, biyahe ng publiko, at mapalakas ang mga oportunidad sa ekonomiya sa rehiyon.
Sa pamamagitan ng rehabilitasyon ng kalsada, inaasahang magri-resulta ito sa pagbaba ng gastos sa transportasyon, paghusay ng logistics para sa mga magsasaka at negosyante, at magpapadali sa access sa edukasyon ng mga mag-aaral.
Magbibigay daan din ito para sa mas mabilis na pagpapaabot ng serbisyong pangkalusugan, at iba pang mahahalagang serbisyo, at magiging mas ligtas at mas maaasahan rin ang pagdaan ng mga relief at recovery operations sa panahon ng kalamidad. | ulat ni Racquel Bayan