Siyam sa sampung Most Wanted Persons ng Taguig City Police Station noong Mayo ang naaresto na matapos ang pinaigting na manhunt operations ng pulisya.
Nahaharap ang mga nadakip sa iba’t ibang kaso kabilang ang statutory rape, acts of lasciviousness, qualified theft, falsification of commercial documents, robbery at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Ayon kay Taguig City Chief of Police Col. Julius Añonuevona, bunga ito ng masusing intelligence operations, walang humpay na pagtugis ng kapulisan at pakikipagtulungan ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
Binigyang-diin din ni Col. Añonuevo ang suporta ni Mayor Lani Cayetano sa pagpapalakas ng kampanya laban sa kriminalidad. Bago ang accomplishment na ito, nakapagtala rin ang Taguig City Police ng 100 percent arrest rate laban sa kanilang Top 10 Most Wanted Persons mula Enero hanggang Abril ngayong taon.