Ibinida ni Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Secretary Kiko Benitez ang mga proyekto ng kagawaran para sa mga training at kabuhayan para sa ating mga kababayan partikular na sa mga nagbabalik sa bansa na mga Overseas Filipino Workers o OFWs.
Unang iniikot ni Secretary Benitez kasama ang media at si PCO Usec. Mon Ilagan ang Cafe Juana kung saan nagsasanay ang mga trainee sa paggawa ng mga ibat ibang klase ng mga kape, tea at Frappe na sikat ngayon para sa pagtatayo ng negosyo at in demand sa mga nag aabroad o sa ibayong dagat.
Sumunod na tinungo ng grupo ang Airconditioning Training kung saan mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines ang nagsasanay sa kanilang mga kapwa sundalo at mga sibilyan na nais matuto ng skills sa airconditioning.
Ibinida rin ni Secretary Benitez ang bar training ng mga ibat ibang klase ng alak kung saan dating OFWs ang nagsasanay na ngayon sa mga trainee upang mas maging competetive ang mga Pinoy sa larangan ng bar tending hindi lamang sa pagtratrabaho sa bansa at sa ibayong dagat kundi para sa pagpapatayo narin ng sariling negosyo.
Ikinatuwa nanan ni PCO Usec. Ilagan ang improvement ng mga programa ng TESDA na malaki aniya ang magiging ambag para sa livelihood program ng mga kababayan at pag usad ng ekonomiya ng bansa. | ulat ni Aj Ignacio