Walang nakikitang constitutional crisis ang Malacañang sa kabila ng nagpapatuloy na sigalot sa hanay ng mga senador.
Tugon ito ni Communications Usec. Claire Castro nang tanungin kung posibleng mauwi sa constitutional crisis ang pag-aagawan sa liderato ng mataas na kapulungan, lalo na sa usapin ng special session at impeachment trial.
Ayon sa opisyal, malinaw na ang kinikilala ng ehekutibo ay ang liderato ni Acting Senate President Win Gatchalian.
Dahil dito, hindi na dapat aniya, nagkakaroon pa ng sigalot sa liderato ng Senado.
Dapat aniya, tanggapin na ng kabilang panig na hindi na sila ang kinikilalang majority. Dagdag pa ni Castro, anomang posibleng problema sa pagpapatupad ng mga hakbang ng Senado ay usapin na ng mataas na kapulungan ng Kongreso, at hindi ng ehekutibo.