Mas pinaigting ng Department of Education o DepEd ang pagpapatupad ng literacy program nito sa pamamagitan ng pamamahagi ng storybooks at school bags na may kasamang learning supplies sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa Dawan Central Elementary School sa Mati City.
Bahagi ito ng sabayang kick-off ng distribution program na isinagawa rin sa Taytay, Rizal at Mandaue City bilang suporta sa pagpapalakas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Key Stage 1.
Dumalo sa aktibidad si Undersecretary for Administration Mel John Verzosa upang ipakita ang suporta ng kagawaran sa mga programang naglalayong mapaunlad ang literacy at learning outcomes ng mga batang mag-aaral.Ayon sa DepEd, layunin ng programa na matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang paglipat mula sa “learning to read” tungo sa “reading to learn” sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga aklat na naaayon sa kanilang edad at iba pang mahahalagang kagamitang pampaaralan.Tinatayang mahigit 6,000 mag-aaral sa buong bansa ang makikinabang sa programa na isinasagawa sa pakikipagtulungan ng mga partner organizations at iba pang stakeholder sa sektor ng edukasyon. | ulat ni Kate Laquihon-Lao | RP Davao
📷 DepEd Region XI



