Umabot na sa 45 ang bilang ng mga napaulat na nasawi matapos ang nangyaring magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani.
Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 33 sa mga napaulat na nasawi ay mula sa Region 12 o SOCCSKSARGEN habang 12 naman ay galing sa Region 11 o Davao Region.
Bukod dito, nasa 486 ang naitalang nasugatan habang 17 pa ang nawawala na karamihan ay mula sa Region 11.
Samantala, mahigit 6,000 pamilya o mahigit 24,000 na indibidwal naman ang kasalukuyang tumutuloy sa mga evacuation center sa Region 9, Region 11, at Region 12.
Nasa 238 namang mga imprastraktura ang napinsala ng lindol na nagkakahalaga ng ₱15,000,000.
Halos 3,000 mga bahay din ang nasira kung saan 2,499 sa mga ito at partially damaged at 495 ang totally damaged.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang search, rescue, at retrieval operations, at pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng lindol.