May pagkakataon na ngayong mabayaran ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga naantalang loan nang walang karagdagang penalty.
Inilunsad ng SSS ang Consolidated Loan o Conso Loan Program na naglalayong tulungan ang mga miyembrong may past due salary, calamity, emergency, at iba pang short-term loans.
Sa ilalim ng programa, pagsasamahin ang lahat ng delinquent loans sa iisang obligasyon at maaaring ma-condone o tuluyang maalis ang mga penalty kapag nabayaran nang buo ang utang.
Nag-aalok din ito ng mas mahabang repayment term, walang service fee, at mas madaling online application process sa pamamagitan ng My.SSS account.
Bukas ang programa sa mga kwalipikadong miyembro na hindi pa nakatatanggap ng final SSS benefits at walang kaso ng panloloko laban sa ahensya.