Hiniling ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano sa Ombudsman na agarang i-secure ang mga dokumento ng lokal na pamahalaan kaugnay sa mga gumuhong gusali sa Mindanao.
Aniya, napakaraming gusali ang nasira o bumagsak sa lindol, at posibleng may bahid katiwalian—mula sa substandard na materyales hanggang sa hindi wastong konstruksiyon.
Dahil dito, nanawagan si Valeriano kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla na agad utusan ang pagkuha at pag-secure ng dokumento mula sa engineers, building officials, at lokal na tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng mga LGU.
Hinikayat din niya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-certify bilang urgent ang amendments sa National Building Code at ang panukalang Disasters and Emergencies Management Act.
Ani Valeriano, ang House Bill 6615 (New Philippine Building Act) ay naipasa na sa Senado noong Disyembre at puwede nang isama sa agenda ng special session kung i-certify bilang urgent.#