Photo courtesy of Metro CDO de Misamis
Sumailalim na sa inspeksyon ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga dam sa Mindanao kasunod ng malakas na lindol sa Sarangani noong Lunes.
Ayon kay NIA Administrator Engineer Eddie Guillen, isinagawa ito ng Dam Safety Group at mga regional office ng ahensya upang suriin ang kondisyon at integridad ng mga dam sa mga apektadong lugar.
Layunin nitong matiyak na ligtas ang mga komunidad na nakapaligid sa mga dam at maiwasan ang anumang panganib na maaaring idulot ng lindol.
Tiniyak ng NIA chief na patuloy nilang babantayan ang kalagayan ng mga pasilidad habang isinasagawa ang mga kinakailangang pagsusuri.