Nadaraanan na ng lahat ng uri ng sasakyan ang gumuhong kalsada papuntang Glan, Sarangani kasunod ng mabilis na aksyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matiyak na makakarating ang tulong sa mga apektadong komunidad kasunod ng malakas na lindol.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, mahigpit na utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ‘wag iiwanan ang Mindanao at ibigay ang lahat ng tulong
Agad pumunta sa pinangyarihan ng lindol ang mga kalihim ng DPWH, DepEd, DSWD, DOH at iba pa. Unang inasikaso ng DPWH ang mga kalsada at ospital habang nag-inspeksyon na rin ang DPWH sa mga paaralan dahil sa balik-eskwela na ang mga mag-aaral.