Sa ilang bahagi ng Bulacan, unti-unting nararanasan ng ilang komunidad ang paglubog ng lupa at pagtaas ng tubig sa kanilang paligid, kahit sa mga panahong kalmado.
Ano ang ibig sabihin nito para sa mga residenteng matagal nang naninirahan sa lalawigan?

Panoorin ang kanilang mga kwento, kasama ang paliwanag ng mga eksperto tungkol sa mga posibleng dahilan sa likod ng mga pagbabagong ito.
Ating muling balikan, ang napapanahong dokyumentaryong “Ang Unti-Unting Paglubog ng Bulacan” ni Yenna Pamela Salazar, na kinilala bilang CFI Medias Terra Asia Project’s Second Best Story.
Kwentong tumutok sa patuloy na pakikipagsapalaran ng ating mga kababayan at ang talamak na suliranin ng pagbaba ng lupa o land subsidence sa lalawigan ng Bulacan.