Sinabi ni House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na hindi dapat pahintulutan ng mga mambabatas na humina ang constitutional accountability sa gitna ng political pressure habang nagpapatuloy ang paglilitis sa impeachment ng Pangalawang Pangulo na si Sara Duterte.
Giit ni Adiong, tungkulin ng mga opisyal ng pamahalaan na ipagtanggol ang Konstitusyon kahit ano pa man ang kahinatnan sa politika.
Inamin din ng mambabatas ang mga backlash na kanyang naranasan kaugnay ng impeachment proceedings pero mas pinipili niya ang pananagutan.
Ginawa ni Adiong ang pahayag habang naghahanda ang Senado para sa pre-trial conference sa June 18 sa makasaysayang impeachment case laban sa bise presidente.
Nagbabala rin ang lawmaker laban sa intimidation campaigns at false accusations sa hangaring panagutin ang public officials.
Ginawa niya ang babala kasunod ng paratang sa kanya ng mga umano’y grupo ng ex-bodyguards ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, na tumanggap na maletang cash.#