Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month, nagsagawa ng courtesy call ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community kay Hon. Bellarmin A. Flores II, Municipal Mayor ng Rosario, La Union, noong Hunyo 8 sa Tanggapan ng Punong Bayan.
Layunin ng pagbisita na higit pang mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng LGBTQIA+ sector, gayundin ang pagtalakay sa mga programang nagsusulong ng pagkakapantay-pantay, inclusivity, at paggalang sa pagkakaiba-iba sa komunidad.
Sa pagpupulong, muling ipinahayag ng lokal na pamahalaan ang suporta nito sa LGBTQIA+ community at ang patuloy na pagsusulong ng isang ligtas, makatarungan, at inklusibong kapaligiran para sa lahat.
Kasabay ng Pride Month, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtanggap at pagkakaisa sa pagbuo ng isang komunidad kung saan ang bawat isa ay may pantay na pagkakataon at paggalang.
| Albert Viloria
Courtesy: Municipality of Rosario