Photo courtesy of Manila PIO
Muling ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno na inspeksyunin ang mga paaralan, lumang gusali, at government structures sa Maynila.
Ito ay bilang paghahanda sakaling magkaroon ng malakas na lindol.

Ayon kay Mayor Moreno, ipagpapatuloy ni Manila City Engineer Armando Andres ang inspeksyon habang ang resulta nito ay isusumite kay MCDRRMC Chief Arnel Angeles para sa evaluation at consideration.
Sinabi ng alkalde na dapat laging handa lalo pa’t andiyan pa rin ang banta ng “The Big One”.
Samantala, handa naman ang Manila LGU na tumulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao kung saan inatasan na ni Mayor Moreno si MCDRRMC Chief Angeles na makipag-ugnayan sa DRRM agencies sa Cotabato, General Santos City, at Sarangani Province. | ulat ni DK Zarate