Inilunsad ngayong araw sa Quezon City ang “Bantay Impeachment Campaign” na nilahukan ng iba’t ibang sektor.
Layunin ng citizen-led campaign na bantayan ang nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na nakatakdang isagawa sa Hulyo.
Ayon sa grupo, nananatiling hindi tiyak ang magiging direksiyon ng impeachment proceedings dahil sa nagpapatuloy na isyu sa liderato ng Senado.
Dahil dito, iginiit nilang mahalaga ang aktibong pagbabantay ng publiko upang matiyak na hindi maaantala ang proseso.
Kabilang sa mga nakaplanong aktibidad ng kampanya ang mga rally, vigil, at citizen monitoring activities sa loob at paligid ng Senado habang isinasagawa ang impeachment trial. Umaasa rin ang grupo na sa pamamagitan ng kampanya ay mas mapapalawak ang kaalaman ng publiko tungkol sa proseso at kahalagahan ng impeachment.