Photo courtesy of Naval Forces Eastern Mindanao
Patuloy ang Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) sa Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) support sa mga komunidad na niyanig ng magnitude 7.8 na lindol sa General Santos City at Davao Occidental simula June 14, 2026.
Sa pahayag na inilabas ng NFEM, inihayag nito na na-deploy na ang Disaster Response and Rescue (DRR) Team sa General Santos City kung saan tumulong ito sa pagdiskarga ng relief goods sa Oval Plaza.
Samantala sa Davao Occidental, tumulong sa pagkarga ng mga relief package sa Black Hawk Hellicopter ang DRR Team kung saan hinatid ito sa mga na-isolate na tatlong mga barangay sa Jose Abad Santos.
Inilahad nito na patuloy na makikipagtulungan ang Hukbong Dagat sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa mas mabilis na tugon sa mga nangangailangang komunidad na lubhang apektado ng pagyanig.
