Photo courtesy of DSWD XI
Nagsagawa ng aerial operation ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI sa tulong ng Philippine Army upang maihatid ang ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol sa Sitio Makina, Kalbay, Jose Abad Santos sa Davao Occidental.
Sa pamamagitan ng aerial transport, target na maipamahagi ang kabuuang 178 Family Food Packs o FFPs sa mga residente ng lugar na nahaharap sa hamon sa transportasyon dulot ng pinsalang iniwan ng pagyanig.
Ayon sa DSWD, nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa iba’t ibang partner agencies upang mapalakas ang disaster response operations at masiguro na walang pamilyang maiiwan sa pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong komunidad. | ulat ni Sheila Lisondra Celocia | RP Davao
