Sa naging direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabilisin ang damage repair work ng mga pampublikong mga imprastraktura gaya ng paliparan, balik normal na ang operasyon ng General Santos City Airport ngayong araw.
Ito’y sa kabila ng mabilis na rehabilitasyon sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ayon sa CAAP, nagsagawa na sila ng pakikipagpulong sa mga airline companies para sa muling pagsasa-ayos ng mga cancelled flights na naitala sa pagsasara ng paliparan matapos ang lindol at nangangako ang mga ito na maayos nilang ibabalik ang mga flights na nakansela.
Paalala naman ng CAAP sa mga apektadong mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline companies para sa flight resume ng kanilang mga biyahe.


