Tumugon na ang nasa 34 international airlines mula sa iba’t ibang bansa upang makipagtulungan sa ipinatutupad ng Bureau of Immigration (BI) na Advance Passenger Information System.
Ayon sa New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC), nakipagtulungan ang mga nasabing international airline companies upang mas mabilis na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga pasaherong magtutungo sa bansa at agad na malaman ng Bureau of Immigration kung may paparating na pasaherong may criminal record o anumang pananagutan sa batas sa kanilang pinanggalingang bansa.
Dagdag pa ng NNIC, malaki ang maitutulong nito sa BI upang mas mabilis na matukoy at ma-trace ang mga naturang indibidwal sakaling lumapag sa mga paliparan sa bansa.
Muli namang tiniyak ng NNIC na magpapatuloy ang kanilang mga innovation sa NAIA upang mas maging sistematiko at modernong paliparan ito sa Southeast Asia.