Malaki ang pasasalamat ni Davao Occidental Governor Franklin Bautista kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa agarang tulong na ibinigay sa mga nasalanta ng Magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa dalawang bayan nito sa probinsya.
Sa panayam kay Bautista, inihayag nito mabilis ang tugon na ilang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya sa mga bayan ng Jose Abad Santos at Sarangani.
Ayon kay Bautista na coordinated ang lahat ng aksyon ng mga ahensya ng pamahalaan sa paghahatid ng tulong upang matiyak na walang mapag-iiwanan sa panahon ng sakuna.
Tuloy-tuloy din ang tulong ng Armed Forces of the Philippines sa pag-transport ng mga tulong lalo na sa mga lugar na na-isolate matapos ang serye ng landslide bunsod ng pagyanig.
Inilahad nito na hindi pa nila nagagamit ang kanilang calamity fund dahil sa patuloy na aksyon ng pamahalaan.