Mariing itinanggi ng House prosecution team na nagba-bluff lamang sila sa pagbanggit ng mga saksi sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at kalaunan ay pag-atras nito.
Ayon kay House Lead Prosecutor at Batangas Representative Gerville Luistro, bahagi ng kanilang sistema ang regular na pag-rebyu sa listahan ng mga saksi batay sa mga ebidensyang naiharap na sa korte.
Dagdag niya, ini-evaluate nila pagkatapos ng bawat saksi kung kinakailangan pa ang karagdagang pagpapatotoo.
Maalalang bago kay Trillanes ay inalis din sa listahan ng mga ihaharap na saksi ang iba pang ikinonsiderang pangalan, kabilang ang dating Chief of Staff ng Office of the Vice President na si Zuleika Lopez.