Patuloy ang panawagan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa mga karagdagang volunteers na tutulong sa repacking ng Family Food Packs na ihahatid sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.
Sa abiso ng DSWD, partikular itong humihiling ng mga nais magboluntaryo sa Visayas Disaster Resource Center o VDRC sa Tingub, Mandaue City, Cebu, bilang bahagi ng patuloy na relief operations.
Kinakailangan lang magrehistro ang mga interesadong indibidwal o grupo sa pamamagitan ng link na https://forms.gle/fDERVC7DeCsyuo8V7 o i-scan ang QR code para piliin ang kanilang nais na schedule at oras ng pag-volunteer.
Pagdating sa VDRC, maaaring hanapin si Ms. Anniebelle Diaz para sa koordinasyon.
Pinapayuhan din ang volunteers na magsuot ng kumportableng damit at sapatos, at magdala ng sariling water bottle habang isinasagawa ang repacking activities.