Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang babae matapos mapatunayang nagpupuslit ng ecstasy sa bansa.
Sa desisyon ng Pasay City Regional Trial Court Branch 298, napatunayang guilty si Charito Casamello, alyas “Chat” o “Chari,” sa ilegal na pag-aangkat ng mahigit 1.4 kilo ng ecstasy.
Bukod sa life imprisonment, pinagbabayad din siya ng multang P1 milyon dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nag-ugat ang kaso sa interdiction operation ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group noong Hunyo 2023 matapos masabat ang isang parcel na may lamang ilegal na droga.
Tiniyak ni Nerez na magpapatuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mga pantalan, paliparan, at courier channels upang mapigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa bansa.