Photo courtesy of Vice Mayor James Yap/Facebook
Nababawasan na ang mga naitatalang aftershocks kada araw ng PHIVOLCS kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao noong June 8.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol na mula sa higit 1,000 aftershocks na naitala isang araw matapos ang magnitude 7.8 na lindol bumaba na sa higit 200 ang naitatala as of June 23, 2026.
Mas humihina na rin ang magnitude ng mga aftershock.
Sa ngayon ay nasa higit 9,725 aftershocks na ang naitatala ng PHIVOLCS kasunod ng magnitude 7.8 na lindol.
Kasabay nito, nanawagan din si Bacolcol sa pagpapaigting ng information campaign hinggil sa tsunami.
Marami kasi sa mga Pilipino ang hindi pa rin alam ang unang mga dapat gawin sa oras na tumama ang isang malakas na lindol, sa halip na lumikas agad ang iba ay inuuna pa ang pag-post sa social media.