Upang maiwasan na ang insidente ng bullying sa bawat paaralan sa Metro Manila, nagsasagawa na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng dialogue sa bawat mga guro at mag-aaral sa buong NCR upang magbigay ng impormasyon kontra bullying.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Police Major Hazel Asilo, ongoing na ang mga dialogue meeting sa mga guro upang mabigyan na ng impormasyon ang mga ito kung ano ang dapat isaalang-alang kapag na-bully ang isang estudyante upang maiwasan na ang mga ito.
Magsasagawa rin ng info drive ang NCRPO sa bawat mag-aaral upang maiwasan na ang ganitong mga insidente.
Una nang sinabi ng NCRPO na magpapa-kalat na sila ng police visibility sa bawat paaralan sa Metro Manila upang mas mabilis rumesponde sa ano mang insidente sa bawat paaralan.