Isang mahalagang hakbang para sa pangangalaga ng kulturang Pilipino ang inilunsad ng Apple matapos nitong idagdag ang native Baybayin keyboard sa iOS 27.
Sa unang pagkakataon, maaari nang direktang mag-type sa sinaunang Baybayin script gamit ang iPhone nang hindi na kailangan ng third-party applications. Layunin ng bagong feature na palawakin ang suporta sa iba’t ibang wika at sistema ng pagsulat sa buong mundo.
Ang Baybayin ay isa sa mga sinaunang paraan ng pagsusulat sa Pilipinas bago dumating ang mga Kastila.
Para magamit ito, kailangang naka-update ang iPhone sa iOS 27. Pumunta lamang sa Settings, piliin ang General, Keyboard, pumunta sa Keyboards at i-click ang Add New Keyboard upang idagdag ang Baybayin.
Maaari itong gamitin sa Messages, Notes, Mail, at iba pang apps na may text input.