Personal na dumalaw si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga pamilya ng mga estudyanteng nasawi sa insidente ng pamamaril na naganap noong Hunyo 22, 2026 sa isang paaralan sa Tacloban City.

Sa kanyang pagbisita ngayong araw, ipinaabot ng Kalihim ang pakikiramay ng pamahalaan at tiniyak ang patuloy na suporta ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naulilang pamilya.
Ayon sa DSWD, kabilang sa mga ipinagkaloob na tulong ang agarang ayuda pinansyal, psychological first aid, at iba pang kinakailangang serbisyo upang matulungan ang mga apektadong pamilya na makabangon mula sa trahedya.
Muling binigyang-diin ng ahensya ang kanilang pangako na maghatid ng kinakailangang suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng insidente.
📷 DSWD-8