Mas pinalalakas pa ngayon ng Council for the Welfare of Children (CWC) at ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pag-monitor sa cyber activities ng mga kabataan at ang matinding exposure ng mga ito sa mga bayolenteng content at gaming platform sa cyberspace.
Inihayag ni CWC Executive Director, Undersecretary Angelo Tapales na suportado nila ang aksiyon ng CICC na pag-ban sa gaming platform na “Gorebox” na isa sa mga itinuturong dahilan ng “violent nature” ng mga batang sangkot sa pamamaril sa Tacloban City.
Ani, Tapales na mahalagang mapaigting ang monitoring sa aktibidad ng mga kabataan sa cyberspace dahil malaki ang nagiging epekto ng mga online platforms na ito sa pag-iisip at pagkilos ng mga kabataan.