Ikinabahala ng International Criminal Court (ICC) ang malawakang pagkalat ng “fake news” at “misinformation” tungkol sa crimes against humanity case ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isinagawang ikalawang status conference pinaalalahanan ni ICC Trial Chamber III Presiding Judge Joana Korner ang publiko at ang media na ang mga paglilitis ay may kinalaman sa mabibigat na paratang kaya naman napakahalaga ng tama at tumpak na pag-uulat tungkol sa mga kaganapang may kaugnayan sa kaso na dinidinig ng hukuman.
Kabilang din sa mga tinutukan sa ikalawang status conference ay ang procedural matters bago ang nakatakdang paglilitis kay dating Pangulong Duterte sa Nobyembre 30.