Inaasahang haharap ngayong araw sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Kampo Crame ang business tycoon na si Manuel V. Pangilinan.
Ito’y matapos na ipatawag ng CIDG si Pangilinan sa pamamagitan ng subpoena kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagkasawi ng Ateneo athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Si Pangilinan ang tagapamuno ng MVP Sports Foundation na unang itinuro ng Ateneo Athletics Office na siyang nangasiwa umano ng team building na ikinasawi ng dalawang manlalaro.
Bago ito, nauna nang itinanggi ng MVP Sports Foundation na may kinalaman sila sa aktibidad lalo’t limitado lamang ang kanilang papel sa pagpopondo rito.
Bukod kay Pangilinan, muling haharap ang Pangulo ng Ateneo de Manila University na si Fr. Roberto Yap na una nang nagpunta kahapon kasama ang kaniyang Vice President for Administration na si Fr. Nemecio Que.
Una nang sinabi ni Remulla na halos makumpleto na nila ang imbestigasyon at inaasahang isusumite na nila ito sa Department of Justice (DoJ) bukas, araw ng Biyernes.